Naiintriga ang mga netizen kung bakit wala na umanong mababasang "Ramsay" sa pangalan ng aktres at model na si Ellen Adarna sa kaniyang Instagram account.
Ang apelyidong Ramsay ay apelyido ng asawa niyang si Derek Ramsay.
Ibinahagi sa ulat ng Fashion Pulis ang screenshots kung saan mababasa pa noon sa pangalan ng IG account ang pangalang "Maria Ellen Adarna Ramsay."
Photo courtesy: Ellen Adarna via Fashion Pulis/FB
Pero kung bibisitahin ngayon ang Instagram account ni Ellen, makikitang wala na ngang nakalagay na Ramsay dito.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna/IG via Richard de Leon/BALITA
Kaya naman, nahihiwagahan ang mga netizen sa kung ano talaga ang estado ng relasyon ng mag-asawa habang isinusulat ang artikulong ito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"History repeats itself over and over and over and over and over again."
"May mga tao talaga na hindi sanay sa matagalang relationship. Siguro nagsasawa. Siguro ayaw magsettle ng matagal. Siguro di na matake un tao na kasama nila pag may nadiscover na ayaw nila. Minor annoyances then could be a major issue now. Which is not a bad thing. Preference yun eh. May mga tao ayaw ng matagalang relasyon. May mga tao na ayaw ng relasyon at all. May mga tao na ayaw ng anak. Preference tawag dun."
"Hala, hiwalay na ba sila?"
"this is really sad. still hoping they get back together."
"Sana me magpaalala sa kanila nung mga sinaunang posts nila ng mga harutan nila para marealize nila kung bakit sila nagpakasal."
Samantala, pareho naman silang nagbigay ng birthday post at message para sa anak nilang si Liana, na isinilang ni Ellen noong 2024.
Agosto nitong taon nang unang pumutok ang tsikang hiwalay na raw ang mag-asawa.
KAUGNAY NA BALITA: Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!
Bandang Setyembre, pinabulaanan ni Derek ang pinakawalang chika ng "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza na umano'y hiwalay na sila.
"There's this issue with Mr. Xian Gaza. I'll just keep it very simple. There's no truth to anything that was said. That's it," anang Derek.
KAUGNAY NA BALITA: Derek, pinasinungalingan blind item ni Xian Gaza tungkol daw sa kanila ni Ellen
Nilinaw rin naman ni Ellen na hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang inunfollow na niya sa Instagram account ang mister.
"Sooo... i never unfollowed my husband. Ever. And i dont know whats happening here on my ig. But here you go..." aniya sa Instagram story niya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Ellen at Derek tungkol dito.