December 24, 2025

Home BALITA National

Rep. Cendaña sa ICI: 'Finally nakinig, pero paano ‘yong mga naunang hearing?'

Rep. Cendaña sa ICI: 'Finally nakinig, pero paano ‘yong mga naunang hearing?'
Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña/FB


Kinuwestiyon ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang umano’y full transparency ng mga nakaraang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa nito hinggil sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ibinahagi ni Rep. Cendaña sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Oktubre 22, ang komento niya patungkol sa naturang isyu. Aniya, sa wakas daw ay nakinig na ang ICI subalit kinuwestiyon niya kung paano na raw kaya ang mga naunang pagdinig ng komisyon.

“FINALLY nakinig ang ICI na dapat napapanood ng publiko ang hearings. Pero paano ‘yung mga naunang hearing? Dapat full transparency hindi pwedeng selective,” ani Rep. Cendaña.

“Dapat klaro din ang kahahantungan: may makulong, maisoli ang mga ninakaw, at maisabatas ang Open Bicam at Open Infra Bill!” dagdag pa nito.

Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña/FB

Matatandaang nagbahagi rin ng mga sentimyento sa parehong usapin sina Akbayan Partylist Rep. Atty. Chel Diokno at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Atty. Leila de Lima.

“Alongside the public broadcast of upcoming hearings, the Commission must also disclose previous discussions and decisions to ensure full transparency of the investigation,” ani Rep. Diokno. 

MAKI-BALITA: 'To ensure full transparency:' Rep. Diokno, gustong isapubliko rin mga nakaraang pagdinig ng ICI-Balita

“Sa pagsasapubliko ng ICI hearings, hindi na lang ICI ang nag-iimbestiga. Kasama na rin ang taumbayan sa susuri at titimbang, hindi lang sa kanilang mga iniimbestigahan kundi pati na rin sa kung paano ang takbo ng kanilang imbestigasyon,” ani Rep. De Lima.

MAKI-BALITA: De Lima, pabor sa balitang pagsasapubliko sa pagdinig ng ICI-Balita

Matatandaang inanunsiyo ni ICI chairperson Andres Reyes na nakatakdang i-livestream ang mga pagdinig sa komisyon sa susunod na linggo.

"We don't have the facility and we don't have the rules of procedures... In spite of no rules allowing us, we will now go on livestream next week once we will be able to have the technical capability with us already. Again, I repeat we will be doing livestream next week," ani Reyes.

MAKI-BALITA: ICI, ila-livestream na mga pagdinig ng flood control scandal sa susunod na linggo-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA