December 13, 2025

Home BALITA

Pagbitiw ni Sen. Lacson noon bilang Blue Ribbon Chair, 'di para isalba liderato ng Senate President—SP Sotto

Pagbitiw ni Sen. Lacson noon bilang Blue Ribbon Chair, 'di para isalba liderato ng Senate President—SP Sotto

Itinanggi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Miyerkules, Oktubre 22, na ang pagbibitiw ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee ay ginawa upang mailigtas ang kaniyang liderato sa Senado.

Sinabi ito ni Sottosa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules, kasabay ng kaniyang kumpirmasyon na may 100% posibilidad na muling pamunuan ni Lacson ang nasabing komite.

No he did not. That was the idea of some people, sabi nila King’s Gambit nga, nangingiti na lang kami ni Ping.  It could be an idea pero as far as he was concerned, during that time he was frustrated, that was the word,” anang Senate President.

Dagdag pa niya, "But then again, later on, in the course of our talks with other people, he realized that it was still necessary. It’s important for him to listen to the voices of our colleagues and to the voice of the public.”

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Ayon kay Sotto sa isang hiwalay na panayam, naniniwala siyang may mga hindi pa natatapos na tungkulin si Lacson sa komite, at posible umanong magsagawa ng pagdinig sa Nobyembre o mas maaga, depende sa magiging desisyon ni Lacson.

Aniya, “ We’ll probably do it in a caucus, but by Nov. 10 we can make it official.”

"Before that nag-uusapan na rin namin yan sapagkat nararamdaman ko rin na may unfinished business doon. Yung clamor ng ibang mga kasamahan namin at ng publiko na naririnig ko. Apparently, nakakarating sa kaniya,” ani Sotto.

Samantala, sinabi rin ni Sotto na hindi niya naramdaman na nanganganib ang kanyang pamumuno noong panahon ng pagbibitiw ni Lacson, dahil nagtitiwala siya sa katapatan at integridad ng kaniyang mga kasamahan.

“Merong ganung mga salita, pero nanaig pa rin ako tingin ko sa side na 'hindi, straight thinkers sila e' straight thinkers yung mga colleagues ko,” saad niya. 

Maki-Balita: SP Sotto, majority bloc, mayayanig kung sakaling bumalik sa pagka-Blue Ribbon Chair si Sen. Lacson?