December 14, 2025

Home BALITA Metro

Kaso ng influenza-like illness sa QC, pumalo na sa higit 2,000; QCESD, nagbaba ng ilang paalala

Kaso ng influenza-like illness sa QC, pumalo na sa higit 2,000; QCESD, nagbaba ng ilang paalala
Photo courtesy: PNA, Pexels

Umakyat na sa 2,294 ang naitalang kaso ng Influenza-like Illness (ILI) sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Oktubre 21, ayon sa Quezon City Epidemiology & Surveillance Division (QCESD). 

Ayon sa kanilang Facebook page, ang mga kasong ito ay mas mataas ng 76.87% kumpara noong 2024 sa kaparehong panahon. 

Dahil dito, narito ang mga paalala ng QCESD para maiwasan ang patuloy pang pagkalat ng flu: 

- Ugaliing palaging maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

- Magsuot ng face mask lalo na kung may ubo at sipon. 

- Takpan ang ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing. 

- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon at bintamina, at uminom ng maraming tubig para lumakas ang resistensya. 

- Magpahinga at matulog nang sapat para sa malakas na pangangatawan. 

- Regular na mag-ehersisyo para sa malakas na immune system. 

- Manatili sa bahay kung may sakit para maiwasan makahawa ng iba. 

Inabiso rin ng QCESD ang publiko na agad magtungo sa pinakamalapit na health center kung makaramdam ng sintomas ng flu, at i-follow ang kanilang social media page para sa mga update. 

Sa karagdagang ulat, ang flu ay isang nakahahawang sakit na dulot ng Influenza Virus, ito rin ay nagdadala ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at baga, na maaaring magdulot ng mild o severe illness. 

Ayon sa QCESD, ang mga nasa risk factor ng flu ay ang mga bata, mga buntis, senior citizens, at mga tao na may dati nang sakit tulad ng diabetes, asthma, at sakit sa puso. 

Ang mga sintomas nito ay ang mga sumusunod: 

- Mataas na lagnat 

- Sipon, pag-ubo, at pagbahing

- Pananakit ng ulo

- Pananakit ng kalamnan

- Pananakit o pamamaga ng lalamunan

- Pagtatae o diarrhea

Sean Antonio/BALITA