December 13, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Favorite naming cover!' Bibig ni Aljur Abrenica, tinapalan!

'Favorite naming cover!' Bibig ni Aljur Abrenica, tinapalan!
Photo courtesy: 90.7 Love Radio Manila/FB

Kinaaliwan ng mga netizen ang meme na ginawa ng isang sikat na FM radio station sa aktor na si Aljur Abrenica, na kamakailan lamang ay umani ng reaksiyon at komento sa cover songs na ginagawa at inilalabas niya.

Isa na nga rito ang awiting "Sugar" ng Maroon 5.

Pati nga ang kilalang dating komisyuner ng Commission on Elections (Comelec) na si Rowena Guanzon, napakomento na rin kay Aljur, matapos magsabing balak niyang gawing alarm clock ang boses ng aktor.

KAUGNAY NA BALITA: Rowena Guanzon, gagawing 'alarm clock' boses ni Aljur

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Makikita sa opisyal na Facebook page ng 90.7 Love Radio Manila ang larawan ni Aljur na mukhang galing sa isa sa mga cover na ginawa niya.

Pero kapansin-pansing tila may literal na cover ang bibig niya, na ginamitan ng masking tape, nakakaloka!

Nakalagay sa caption, "Favorite naming cover ni Aljur Abrenica."

Photo courtesy: Screenshot from Love Radio Manila/FB

Siyempre pa, naki-ride on na rin dito ang mga netizen at pinaulanan ng reaksiyon at komento ang meme.

"a picture you can hear"

"Oh my God , Next Cover… Cover your Mouth"

"Nice cover man! Full mouth shut"

"Next cover: Mouth."

"Cover of the year"

"Parang nahostage naman hahahaha."

"Ito na yata yung tinatawag na full cover hahaha."

Habang sinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 86k laugh reactions, 9.7k shares, at 1.9k comments ang nabanggit na post.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Aljur tungkol dito.

Inirerekomendang balita