January 06, 2026

Home BALITA

Computer technician, kumubra na ng ₱49.5-M lotto jackpot

Computer technician, kumubra na ng ₱49.5-M lotto jackpot
PCSO

Kinubra na ng lone bettor na isang computer technician ang napanalunan niyang ₱49.5 milyong Ultra Lotto 6/58 jackpot prize sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning numbers na 5-17-18-02-45-57 ay nabuo sa pamamagitan ng Lucky Pick, kung kaya't jumackpot ang isang computer technician.

Ang naturang winner ay mula sa Sorsogon. Ibinahagi niya sa PCSO na limang taon na siyang tumataya sa lotto.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Inirerekomendang balita