December 18, 2025

Home SHOWBIZ

Celebrities sa nasunog na DPWH office: 'Ay wow biglang nasunog, paano na mga ebidensya?'

Celebrities sa nasunog na DPWH office: 'Ay wow biglang nasunog, paano na mga ebidensya?'
Photo courtesy: Darren Espanto (FB), Teddy Corpuz (FB), Philippine Emergency Alerts via Balita, Anne Curtis (FB)


Hindi napigilan ng ilang celebrities at TV personalities ang magkomento hinggil sa nagliyab na opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA-Kamuning sa Quezon City, noong Miyerkules, Oktubre 22.

Ayon sa ahensiya, wala umanong dokumento na may kaugnayan sa flood control projects ang naapektuhan ng nasabing sunog.

“The DPWH confirms that no documents related to the ongoing investigation into the flood control anomalies were in the Bureau of Research and Standards (BRS) building that caught fire in Quezon City today,” anang DPWH.

MAKI-BALITA: DPWH, nilinaw na walang flood-control projects documents na nadamay sa sunog sa QC-Balita

Ibinahagi naman ng mga personalidad sa kani-kanilang social media accounts ang reaksiyon nila patungkol sa nagliyab na DPWH office.

Inilahad ng “It’s Showtime” hosts na sina Teddy Corpuz, Anne Curtis, at Darren Espanto ang kanilang mga saloobin sa kani-kanilang X accounts.

Photo courtesy: teddspotting (X), annecurtissmith (X), Espanto2001 (X) via Fashion Pulis

Ang mga personalidad naman na sina Ellen Adarna at Pokwang ay ibinahagi ang kani-kanilang mga sentimyento sa kanilang Instagram (IG) posts.

Photo courtesy: maria.ellen.adarna (IG), itspokwang27 (IG) via Fashion Pulis

Maging ang netizens, hindi nagpahuli sa pagkokomento patungkol sa insidente.

"Restore Factory Settings na ba?"

"OKAY PO. Kwento niyo yan eh."

"Sinunong na ang ebidensya. Safe na safe na sila. Kaya biglang ibbroadcast na yung ICI no!"

"Nakakapag taka office hours nasunog un building... Tpos wala bng fire extiguisher un building .. hehehe"

"OK po kahapon lng namn kami pinanganak"

MAKI-BALITA: 'Sunog-ebidensya sa flood control scandal?' Netizens naghinala sa pagkatupok ng DPWH building sa QC-Balita

Kasabay nito, naglabas ng pahayag ang DPWH hinggil sa aksyong ginawa nila kaugnay ang nasabing sunog. Anila, sila ay nag-imbestiga upang alamin ang buong epekto nito at siguruhing maiiwasan sa hinaharap ang kaparehong pangyayari.

“An investigation team to assess the fire incident has been deployed and is currently conducting a thorough assessment to determine the full extent of the damage and to prevent similar incidents in the future,” anang DPWH.

Vincent Gutierrez/BALITA