December 14, 2025

Home BALITA

Barzaga, sinabing PBBM admin umano nagpasimula ng sunog sa DPWH-BRS sa QC

Barzaga, sinabing PBBM admin umano nagpasimula ng sunog sa DPWH-BRS sa QC
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Tahasang pinahagingan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ani Barzaga, ang nasabing administrasyon daw ang may “kagagawan” sa naganap na sunog sa isang opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City noong Miyerkules, Oktubre 22. 

Ayon sa inilabas na post ni Barzaga sa kaniyang Facebook noon ding Miyerkules, sinabi niyang ginawa iyon upang “sirain” ang mga “ebidensyang” may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects. 

“Marcos Administration sets fire to DPWH Office to destroy Flood Control Anomaly Evidence,” mababasa sa post ni Barzaga.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB) 

Kinatigan naman ng netizens ang naturang post ng congressman. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Barzaga. 

“Ikaw na yung pinaka matalinong tao sa buong mundo, patuloy ka sa adhikain mong mabuwag ang tiwaling gobyerno sa henerasyon natin.” 

“Ganito dapat ang headlines hahaha.”

“Safe na sila hahaha” 

“Ang galing ng mga crocs!” 

“It truly takes a crazy person to take on this fight.  I salute you Cong. Meow! I support you.”

“Exactly. And now the ICI decided to do the livestream.”

“Congressman Kiko Barzaga, you are the David for this generation.”

“Hanap talaga sila ng paraan para matabunan ang mga ebidensya para safe na sila.”

“BAKA Congressman Kiko Barzaga YAN.”

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang palasyo tungkol dito.

MAKI-BALITA: 1% ng mga dokumento sa nasunog na DPWH building, maaaring naabo—ICI chairperson

MAKI-BALITA: DPWH, nilinaw na walang flood-control projects documents na nadamay sa sunog sa QC

Mc Vincent Mirabuna/Balita