December 13, 2025

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

True ba? 'New fear unlocked: Sleep lang ako love inaantok na me!'

True ba? 'New fear unlocked: Sleep lang ako love inaantok na me!'
Photo courtesy: Freepik/Pexels

Naniniwala ka bang ang isang taong gustong mag-cheat, gagawin lahat ng paraan at sasabihin lahat ng dahilan para lang makalusot at maisakaturapan ang panloloko?

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral Facebook post ng digital content creator/bloggertila matapos niyang ibahagi ang tungkol sa bagong “fear” o takot ng mga nasaktan, nauntog, o na-trauma na pagdating sa cheating: ang marinig ang mga pahayag na “Sleep lang ako love, inaantok me” ng mga jowa.

Sa kaniyang post, inilahad ni "Mommy Micai Grace" ang sakit ng pagkakatuklas na habang akala mo ay natutulog lang ang iyong mahal, sumasalisi pala ito at umalabas pala upang makipag-date sa iba; at ang mas masakit pa, ay alam ito ng kaibigan mong pinagkakatiwalaan.

Mababasa ito sa kaniyang post na may pamagat na "NEW FEAR UNLOCKED: SLEEP LANG AKO LOVE INAANTOK ME."

Balitang Pag-Ibig

'Hard launch malala!' Tricia Robredo engaged na pala, sino ba ang fiancé niya?

"You thought they were just going to sleep, but they were actually out dating someone else, while your so-called friend knew and allowed it to happen," aniya.

"You gave your full trust, only to realize it wasn’t worth it. The pain isn’t just from being betrayed, but also from knowing that someone you thought was on your side actually knew the truth."

"It’s really hard when you’re the only one being genuine in the relationship. You keep fighting even when you’re tired, hoping that someday they’ll change. But sometimes, you just have to accept that you cannot force loyalty from someone who is used to lying."

"It’s disappointing when people around you choose to stay silent instead of correcting what is wrong. It’s hard to trust again when even those close to you protect dishonesty. Sometimes, it’s better to have a smaller circle as long as the people in it are real."

"Loyalty is not just about being faithful, it is about being honest even when it is hard. You don’t have to be perfect, but you should at least know how to choose what is right. Because in the end, a loyal person does not need to be watched, they stay true even when no one is looking."

Kaya naman payo at mensahe niya sa mga nakaranas nang masaktan at maloko sa relasyon, "To those who have been hurt and betrayed, do not let someone else’s mistake break you. Use that pain as a lesson to grow wiser and stronger. Someday, you will find someone who will love you truthfully, even while you are asleep, with nothing to hide."

Photo courtesy: Screenshot from Mommy Micai Grace/FB

Tila marami naman sa mga netizen ang naka-relate dito, dahil sa katunayan, umabot sa 21k laugh reactions, 6.5k shares, at 510 comments ang nabanggit na post, habang isinusulat ang artikulong ito.

Narito ang ilan sa mga kuda at hanash ng netizens sa viral post:

"What goes around comes around!"

"Very familiar hahahahaha"

"Hay naku, ganiyan ang ex ko before. Kunwari sleep na raw pero wala pala sa bahay nila, hayun, may kinakalantaring iba!"

"Papanget ng pangit ang mga manloloko sa ngayon nakakatakot magmahal."

"Kaya ayoko na mag-jowa eh. Hindi mo alam kung anong ginagawa kapag hindi na kayo magkausap. O kahit nga na magkausap pa kayo haha."

"Ang nakakalungkot pa sa mga ganiyan, tino-tolerate pa ng mga kaibigan o kaanak."

Ikaw, nakaka-relate ka ba, Ka-Balita?