December 13, 2025

Home BALITA

'To ensure full transparency:' Rep. Diokno, gustong isapubliko rin mga nakaraang pagdinig ng ICI

'To ensure full transparency:' Rep. Diokno, gustong isapubliko rin mga nakaraang pagdinig ng ICI
Photo courtesy: Chel Diokno (FB), Senate of the Philippines (YT)

Naglabas ng pahayag si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno tungkol sa desisyon ng 

Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang kanilang mga pagdinig kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang flood-control projects. 

Ayon sa ipinadalang pahayag ni Diokno sa media nitong Miyerkules, Oktubre 22, sinabi niyang tinatanggap nila ang desisyon ng nasabing ahensya. 

“We welcome the decision of the Independent Commission for Infrastructure (ICI) to livestream its hearings starting next week amid the growing clamor for transparency,” pagsisimula niya. 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Ani Diokno, karapatan ng taumbayan na malaman ang mga umano’y nangyayari sa imbestigasyon ng ICI. 

“Karapatan ng publiko na malaman ang nangyayari sa mga pagdinig na ito dahil sila ang direktang mga biktima ng napakaraming katiwalian ukol sa flood control projects.” saad ni Diokno. 

“Kapag livestream na ang hearing, masasaksihan ng taumbayan ang takbo ng imbestigasyon at kung paano papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa pagnanakaw ng kanilang binayarang buwis,” paliwanag pa niya. 

Samantala, hiniling din ni Diokno na ibahagi rin daw ng ICI publiko ang mga nakaraan nilang diskusyon at desisyon kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang flood-control projects.

“Alongside the public broadcast of upcoming hearings, the Commission must also disclose previous discussions and decisions to ensure full transparency of the investigation,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang ibinahagi ni ICI Chairperson Andres Reyes na magsasagawa na sila ng live streaming ng kanilang mga pagdinig kaugnay sa mga anomalya ng flood control projects sa susunod na linggo.

MAKI-BALITA: ICI, ila-livestream na mga pagdinig ng flood control scandal sa susunod na linggo

“ICI is only 39 days old. For the last 21 days we only had three lawyers, now we have some volunteers from PAO [Public Attorneys Office] and from the other agencies but we will try our best to be able to full blast investigation of all these fraud,” saad ni Reyes sa kaniyang opening statement sa pagdinig sa Senado ngayong Miyerkules, Oktubre 22.

“We don't have the facility and we don't have the rules of procedures... In spite of no rules allowing us, we will now go on livestream next week once we will be able to have the technical capability with us already. Again, I repeat we will be doing livestream next week,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: De Lima, pabor sa balitang pagsasapubliko sa pagdinig ng ICI

Mc Vincent Mirabuna/Balita