December 13, 2025

Home BALITA

Tatlong senador, kumasa na sa SALN reveal

Tatlong senador, kumasa na sa SALN reveal
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Naglabas ng kani-kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) mga senador na sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Risa Hontiveros.

Si Sen. Robin Padilla ang nanguna bilang may pinakamataas na net worth na umabot sa ₱244,042,908.57  mula sa tatlong nasabing mga senador.

Pumangalawa si Sotto sa may pinakamalaking SALN sa kanilang tatlo, na nagdeklara ng ₱188,868,123.40, habang nasa ikatlong puwesto naman si Sen. Risa Hontiveros na may net worth na ₱18,986,258.21. Nakasaad sa mga inihaing dokumento ang kabuuang yaman, mga pag-aari, at pananagutan ng bawat opisyal.

Ang SALN ay taunang isinusumite ng mga opisyal ng pamahalaan bilang bahagi ng kampanya para sa transparency at integridad sa gobyerno. Layunin nitong ipakita sa publiko ang financial status ng mga opisyal habang nanunungkulan upang maiwasan ang katiwalian at masiguro ang pananagutan sa paggamit ng kapangyarihan at pondo ng bayan.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Paalala naman sa ulat na ang nasabing mga SALN ay naisumite sa magkakaibang petsa. Nananatiling bukas sa publiko ang pagkuha ng SALN sa ilalim ng umiiral na mga patakaran at proseso.

Matatandaang kamakailan lang nang ihayag ni Sen. Erwin Tulfo na kumbinsido umano siya na kakasa ang buong majority bloc na isapubliko ang kani-kanilang SALN.

“Nakakita ko naman sa majority ay nagkakasundo naman kami lahat na wala namang itatago. So okay lang din sa amin sa majority na ilabas yung aming SALN,” ani Tulfo sa isang radio interview kamakailan.

KAUGNAY NA BALITA: Senate majority bloc, kakasa sa 'SALN reveal'—Sen. Erwin

Habang noong Lunes, Oktubre 20 naman nang linawin ni Senate Secretary Renato Bantug na tanging ang summary lang umano ng SALN ang maaaring isapubliko ng mga senador.

Aniya, "As reiterated by Senate President Vicente C. Sotto III, all requests for access to the Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) of incumbent senators shall be governed by Police Order No. 2019-001 (OSP) on the release or posting of the SALN Summaries of senators.”