December 13, 2025

Home BALITA

'Salome,' magla-landfall sa Batanes

'Salome,' magla-landfall sa Batanes
DOST-PAGASA

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Salome sa Batanes ngayong gabi (Miyerkules, Oktubre 22) o bukas ng umaga (Huwebes, Oktubre 23), ayon sa PAGASA.

Ayon sa weather bulletin as of 5:00 PM, wala pang direktang epekto ang bagyo sa kalupaan. Huli itong namataan sa layong 215 kilometers North Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour. May kabagalan ang pagkilos nito pa-west southwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.

Samantala, nakataas pa rin ang wind signal no. 1 sa Northern Luzon, partikular sa Batanes, western portion ng Babuyan Islands, at northwestern portion ng Ilocos Norte. 

Politics

‘Isa kang boba!’ Larry Gadon, pinagbibitiw si VP Sara

Dagdag pa ng weather bureau, magla-landfall si Salome sa Batanas mamayang gabi o bukas ng umaga. 

Lalapit din ito sa Babuyan Islands bukas ng umaga at sa Ilocos Norte naman sa hapon.

Inaasahan ding hihina ito bilang low pressure area sa Biyernes, Oktubre 24.