Inanunsiyo ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairperson Andres Reyes Jr. na buo ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang imbestigasyon sa likod ng maanomalyang flood control projects.
Sa ginanap na Senate Committee on Justice and Human Rights nitong Miyerkules, Oktubre 22, sinabi ni Reyes na nakikipagtulungan ang kapulisan upang beripikahin ang flood control projects sa mga komunidad at siyudad.
“Right now, we already have the full support of PNP. So, every barrio or every city…they will be able to verify for us if there is such a flood control project in that area,” saad ng ICI Chairperson.
Dagdag pa niya, “We will be utilizing the 17 drones of PNP. 17 regions and 17 drones. “
Bukod dito, nakipag-usap na rin ang komisyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para talakayin ang mga loophole sa sistema.
Samantala, nakatakda nang isapubliko ng ICI ang kanilang mga pagdinig kaugnay sa katiwalian sa flood control projects sa susunod na linggo.
Maki-Balita: ICI, ila-livestream na mga pagdinig ng flood control scandal sa susunod na linggo