Nanalo ng isang prestihiyosong pagkilala ang isang litrato ng dalawang bubwit na tila nagtatalo sa isang London Underground platform, matapos talunin ang halos 48,000 iba pang mga kuha mula sa iba’t ibang litratista.
Ayon sa mga ulat, ang nasabing kuha ay nagwagi ng LUMIX People’s Choice Award for Wildlife Photography sa London’s Natural History Museum, matapos iboto ng publiko.
Ang kuha ay may titulong “Station Squabble,” na kuha ng 25-anyos na litratistang si Sam Rowley. Aniya, nakatanggap siya ng ilang “strange looks” mula sa ibang tao habang hinihintay ang pagkakataon na ito ay makuhaan.
“Everybody knows about the mice on the Underground but I don’t think anyone’s seen them in that light before. People were quite curious – they were quite chatty and nice about the whole thing,” ani Rowley sa panayam ng CNN.
Napag-alaman ding nakuha ni Rowley ang ideyang ito mula sa kaniyang kaibigan, matapos siyang pasahan ng isang video ng dalawang daga, habang ito ay pauwi na galing sa isang “night out.
”Halos isang linggo umano rin itong binalik-balikan ni Rowley mula gabi hanggang sumapit ang umaga.
Vincent Gutierrez/BALITA