January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking kinanta 'videoke entry' ng iba, patay matapos barilin ng inagawan

Lalaking kinanta 'videoke entry' ng iba, patay matapos barilin ng inagawan
Photo courtesy: Pexels

Nauwi sa pamamaril ang isang okasyon sa San Mateo, Isabela bunsod umano ng pang-aagaw ng kanta sa videoke.

Ayon sa mga ulat, pinaputukan ng 47 taong gulang na suspek ang biktima matapos umano nitong agawin ang kanta sa videoke na dapat ay sa suspek sana.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib ang biktima. Sinubukan pa siyang isugod sa ospital ngunit kalaunan ay pumanaw rin habang ginagamot.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi magkakilala ang suspek at biktima na kapuwa imbitado lang umano sa nasabing okasyon.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

“According sa witness, dumayo ‘tong suspek kasi sa kabilang bayan po siya. Hindi po sila magkakilala, yung victim at suspek,” ani Police Staff Sergeant Clemente Caronan, Jr. sa panayam ng media. 

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek na mabilis nakatakas dala ang baril na ginamit sa krimen.

“Yun nga po kasi hindi namin na-recover yung baril, kaya yung mga bala lang po, kaya nakipag-coordinate kami sa forensic,” saad pa ni Caronan.