December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kathryn Bernardo, magkakaroon ng wax figure sa HK

Kathryn Bernardo, magkakaroon ng wax figure sa HK
Photo Courtesy: Madame Tussauds (IG)

Isa na namang bagong milestone ang dumating sa buhay ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernado.

Sa isang Instagram post ng Madame Tussauds Hong Kong nitong Martes, Oktubre 22, inanunsiyo nilang magkakaroon na ng wax figure si Kathryn.

“The countdown is over—Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo! Known as the ‘Phenomenal Box-Office Queen,’ she starred in the FIRST Filipino film to hit 1B pesos globally!” saad sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

"Kathreng ang layo mo na talaga being fan of yours since 2011 I´m so very2 proud"

"OMG OMG"

"Omg!!!!!! KATHRYN BERNARDO"

"Congratulations, Kath! Seeing your talent and craft recognized makes us so proud of you! International recognition unlocked! "

"Ommmmmggggg! Our Queen KB! "

"Yey pretty queen Kath @bernardokath we're so proud of you thank you"

"Congratulations my favorite queen Kathryn Bernardo I'm so proud of you darling"

"Congratulations , Kath @bernardokath ! Sana it will be unveiled in time for your 30th birthday next year. What a special gift indeed!"

"Congratulations Bernardokath"

"Super desrve! "

"queen thingz "

Inaasahang magagawa ang wax figure ni Kathryn sa 2026. Siya ang pinakabago at pinakabatang Pilipinong magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.

Ang Madame Tussauds ay isang wax museum na may malaking koleksyon ng wax figures ng mga kilala at prominenteng tao partkular sa pelikula at telebisyon. 

Matatandaang kamakailan lang ay kinilala rin si Kathryn ng Edukcircle bilang “Most Influential Celebrity of the Year.”

Maki-Balita: Kathryn Bernardo, ginawaran bilang 'Most Influential Celebrity of the Year'