Pinuri ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang aniya’y padami nang padaming nabubuking hinggil sa isyu ng korapsyon sa bansa, ngunit sana naman daw ay hindi lang ito hanggang bukingan lang.
Ibinahagi ni Regine sa kaniyang X post noong Martes, Oktubre 21 ang kaniyang pahayag sa naturang isyu.
“In fairness padami ng padami nabubuking ang tanong baka naman hangang bukingan lang to ha. Sana wag tayo pumayag na walang mangyari please!!!!!!!!” ani Regine.
Photo courtesy: Regine Velasquez/X
Hindi naman napigilan ang netizens na ipahayag ang kani-kanilang mga komento patungkol sa ibinahaging X post ni Asia’s Songbird.
“Kong walang kulong eh di political noise lang talaga. Another day, another batuhan ng powtik lang haha”
“laban lang at bantayan naman ang korte, may kaso ngang sinampa don naman papatagalin.”
“Daming pulis kanina sa ICI. Last time na may ganyang karaming pulis sa isang lugar hinuli si Digong sa NAIA. Baka nagppraktis na”
“Agree! Enough with just exposing—it's time for real action. #AccountabilityNow”
“Korek. Dapat may aksyon, dapat may managot.”
“Bukingan alone won’t solve anything. We demand results, not noise! #DoSomething”
“Hanggang Ngayon walang ginawa. Walang mangyayaring kulong to.”
May isa ring netizen ang nagsabing sana raw ay maluklok ulit sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang masigurong matatapos ang imbestigasyon at isyung ito.
“agree. but i hope @bongbongmarcos will be re-elected again (fairly) to ensure all this will be finish,” aniya.
Matatandaang kamakailan lamang ay galit na galit na ipinahayag ni Regine sa kaniyang Instagram post (IG) na sa kabila umano ng kaniyang binabayarang tax, wala raw siyang napakikinabangan.
“Ang aking income tax ay nasa 32% plus meron po akong vat na 12%. 32+12=44% po ng pinaghirapan ko napupunta sa gobyerno pero wala akong nakukuha kahit anong benipisyo,” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Regine, galit na galit; 44% tax na binabayaran, wala raw siya mapakinabangan-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA