Naglabas ng pahayag si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima kaugnay sa desisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang kanilang pagdinig kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang flood-control projects.
Ayon sa ibinahagi post ni De Lima sa kaniyang Facebook nitong Miyerkules, Oktubre 22, sinabi niyang tinatanggap umano nila ang anunsyo ng nasabing ahensya.
“We welcome the Independent Commission for Infrastructure’s (ICI) announcement that it will livestream its proceedings. We thank the ICI for heeding our call to make its hearings open and transparent,” ani De Lima.
Photo courtesy: Leila de Lima (FB)
Pagpapatuloy pa niya, makakasama na raw ang taumbayan sa pagsusuri sa paraan ng pagsusuri at takbo ng imbestigasyon ng ICI kaugnay sa maanomalyang flood-control projects.
“Sa pagsasapubliko ng ICI hearings, hindi na lang ICI ang nag-iimbestiga. Kasama na rin ang taumbayan sa susuri at titimbang, hindi lang sa kanilang mga iniimbestigahan kundi pati na rin sa kung paano ang takbo ng kanilang imbestigasyon,” saad ni De Lima.
Dagdag pa ni De Lima, hindi nila tatantanan ang usapin tungkol sa nasabing imbestigasyon ng ICI.
“Hindi natin ito tatantanan. The people are watching. Truth, justice and accountability shall prevail,” pagdidiin niya.
“Bilisan ang pagsasampa ng matibay na mga kaso. Managot ang dapat managot. Ikulong ang mga kurakot!” pagtatapos pa ni De Lima.
Ibinahagi ni ICI Chairperson Andres Reyes na magsasagawa na sila ng live streaming ng kanilang mga pagdinig kaugnay sa mga anomalya ng flood control projects sa susunod na linggo.
MAKI-BALITA: ICI, ila-livestream na mga pagdinig ng flood control scandal sa susunod na linggo
"ICI is only 39 days old. For the last 21 days we only had three lawyers, now we have some volunteers from PAO [Public Attorneys Office] and from the other agencies but we will try our best to be able to full blast investigation of all these fraud," saad ni Reyes sa kaniyang opening statement sa pagdinig sa Senado ngayong Miyerkules, Oktubre 22.
"We don't have the facility and we don't have the rules of procedures... In spite of no rules allowing us, we will now go on livestream next week once we will be able to have the technical capability with us already. Again, I repeat we will be doing livestream next week," dagdag pa niya.
Mc Vincent Mirabuna/Balita