December 13, 2025

Home BALITA

'BBM is the best candidate!' Pagsuporta ni Barzaga kay PBBM noon, binalikan ng netizens!

'BBM is the best candidate!' Pagsuporta ni Barzaga kay PBBM noon, binalikan ng netizens!
photo courtesy: Kiko Barzaga/FB

Binalikan ng mga netizen ang pagsuporta noon ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at sa buong UniTeam noong eleksyon 2022. 

Sa Facebook post ni Barzaga noong Marso 16, 2022, makikita ang pagpalit umano niya ng suporta mula kay dating Vice President Leni Robredo patungo kay Marcos—na pawang magkalaban sa pagkapangulo noong 2022. 

"I didn’t switch for power, wealth, or gratitude. I switched to BBM/Sara because they are the key to our country’s prosperous future. #SwitchtoBBM #BBMSARA2022," saad ni Congressmeow. 

Tinawag pa niyang "best candidate" si Marcos.

National

‘Be sensitive!’ DOH, nagpaalala na isaalang-alang damdamin ng iba ngayong holiday season

"Note: After personally hearing all of them speak, it was obvious that BBM is the best candidate. Sharon Cuneta’s comments on Sal Panelo also shows how the Robredo Camp views PWDs," ani Barzaga. 

Dagdag pa niya, "I have learned from my mistake, let’s all support BBMSARA UNITEAM 2022!"

photo courtesy: Kiko Barzaga/FB

photo courtesy: Kiko Barzaga/FB

Ngayong 2025, isa si Barzaga sa mga nananawagan ng #MarcosResign. Katunayan, pinangunahan pa niya ang "Anti Marcos Protest" nito lang Oktubre 12, kaugnay sa korapsyon sa bansa bunsod ng mga anomalya ng flood control projects.

Bukod dito, sinagot din ni Barzaga ang pangulo kaugnay sa sinabi niya noong hindi siya aalis sa kaniyang opisina hangga’t hindi nareresolba ang anomalya sa flood-control projects. 

Maki-Balita: Barzaga, sinagot si PBBM sa sinabing 'di aalis sa Palasyo hangga't di naaayos flood-control anomalies'

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizen sa naturang post ni Barzaga patungkol sa pagsuporta noon kay PBBM.

"HAHAHAHAHAH musta poh"

"UP"

"MGA TANGA.hahahhaahhahahahahahah"

"fucking trapo hahahaaha"

"ANO NA HAHAHAHAHAHA"

"Oooof!"

"Kapit sa malakas, hindi sa tapat."

"Sama sama sila oh HAHAHHA"

"Turn off comsec matik delete mo nalang kaya no?"