December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Untruthful, slanderous!' Raymart Santiago, bumwelta sa mga pasabog ni Inday Barretto laban sa kaniya

'Untruthful, slanderous!' Raymart Santiago, bumwelta sa mga pasabog ni Inday Barretto laban sa kaniya
Photo courtesy: Raymart Santiago (FB)/TV5 (IG)/Ogie Diaz Inspires (YT)

Rumesbak ang aktor na si Raymart Santiago laban sa mga rebelasyon ni Inday Barretto laban sa kaniya, partikular sa usapin ng kanilang naging relasyon ng estranged wife na si Claudine Barretto.

Sa pamamagitan ng legal counsels ni Raymart na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo, mariing pinabulaanan ng kampo ni Raymart ang mga akusasyon laban sa kaniya ng ina ni Claudine, na isiniwalat ng huli sa panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

"It's very unfortunate that Mrs. [Inday Barretto] opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client and his marriage with Ms. Claudine Barretto (Ms. Claudine), who has likewise repeatedly exploited social media and sought recourse through trial by publicity to discredit our client's name and reputation," mababasa sa inilabas na opisyal na pahayag ng law firm.

Dagdag pa, “It appears that the root of Mrs. Barretto’s outrage is the conjugal land sold by Ms. Claudine three years ago absent the knowledge and consent of our client. Our client refuses to partake in any dispute involving, or irregularity of Ms. Claudine and her cohorts may have committed."

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

"To reiterate, we remind Ms. Claudine, her family, and agents that there is an existing Gag Order issued by the Family Court, Branch 5 of Mandaluyong City, as early as September 20, 2023, which our client has faithfully complieds with, having kept his peace all these years."

“It is his hope that Ms. Claudine, her family, and agents would do the same, out of respect for the courts of justice and more importantly, for the sake of their children."

“Finally, let this be a final warning that any utterances in contravention of the law shall be dealt with before the appropriate forum to protect our client’s rights and to preserve his interests.”

Photo courtesy: via Ogie Diaz/FB

ANG MGA PASABOG NI INDAY BARRETTO

Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz na umere sa kaniyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" noong Linggo, Oktubre 19, nagsalita si Inday, ang ina ng mga showbiz sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto, hinggil sa mga pinagdaanan umano ng bunsong anak niyang si Claudine sa kamay ng estranged husband nitong si Raymart.

Ayon kay Inday, pinili niyang kay Ogie magpa-interview dahil suki na raw ng talent manager at vlogger ang kaniyang mga anak. Dagdag pa niya, napagpasyahan niyang magsalita dahil hindi na raw niya kayang manahimik pa sa gitna ng mga isyung patuloy na bumabalot sa pamilya.

Sa naturang panayam, binalikan ni Inday ang kasikatan ni Claudine noong kasagsagan ng kaniyang career. Subalit nag-iba raw ang takbo ng buhay ng anak nang pumanaw ang aktor at dating kasintahan nitong aktor at katambal na si Rico Yan.

Paglaon, nang ikasal si Claudine kay Raymart Santiago, inilarawan ito ni Inday bilang “phase 2” ng buhay ng kaniyang anak. Ayon pa sa kaniya, magalang, mabait, at bestfriend pa raw noon ni Raymart ang dating manugang niyang si Dennis Padilla.

Nang tanungin daw ng ilang kaanak kung bakit si Raymart ang pinakasalan ni Claudine, pabirong sagot daw ni Inday noon, “Why not him?” Dagdag pa ni Inday, natuwa siya nang hingin ni Raymart ang kamay ni Claudine sa harap ng parehong pamilya ng mga Barretto at Santiago. “Sinabi pa niya na aalagaan niya si Claudine,” ani Inday.

Ngunit sa paglipas ng panahon, napansin daw ng ina na tila nawawala na ang saya ni Raymart sa kanilang relasyon, batay sa kaniyang instinct bilang magulang. “Magalang pa rin naman siya sa akin," giit pa ni Inday.

Hanggang sa isang araw, habang namamasyal si Inday sa isang mall, nakatanggap siya ng tawag mula kay Claudine—umiiyak at humihingi ng tulong. Kuwento pa niya, sa labis na tensyon ay napaupo pa raw si Inday sa pavement o floor ng mall.

Bagama’t hindi idinetalye ni Inday ang buong pangyayari, tila pahiwatig niya na matindi ang pinagdaanan ni Claudine sa kanilang pagsasama. Kaya naman, agad na nagtungo si Inday sa bahay ng mag-asawa.

“Pagdating ko doon, alam ko may gulo. Mga anak ko kasi Ogie alam ko kung may sakit sila, alam ko kung may kagalit sila, alam ko kung may kaaway sila, alam ko kung sinaktan mo sila, in fact one of them kung may away with anyone sa partners nila, I can hear them cry, sorry aswang yata ako, sana..." hirit pa ni Inday.

Maya-maya raw, bumaba na si Raymart na tila wala naman daw nangyari, gayundin ang anak.

“Tapos bumaba si Raymart, wala normal naman, mamayang konti bumaba si Claudine hindi naman siya nagwawala... na-injectionan na pala and that’s the start of that famous injection thing.”

Nang tanungin ni Ogie kung sino ang nang-injection kay Claudine, "Siya! Si Raymart! Oo, kasi later on na lang, sorry ha, I cannot ano, baka I might shout, kaya umiyak ako coming here baka it’ll open all wounds, eh,” paghingi pa ng tawad ni Inday.

"Bumaba si Claudine... sabi niya 'Let's all eat out and all,' naisip ko 'Away-away lang 'yan,' the he brought us out, binibigyan niya ng pagkain, ang bait, so that’s episode number 1 and then there were more 7 came, another one and another one. Usually ganiyan, sumisigaw, bakit naman sisigaw si Claudine? Eh walang bosoes 'yon eh. Alam mo naman kung sinasaktan ang tao, eh,” saad pa niya.

Ang tinutukoy na "injection" ni Inday ay nang mapabalita noon na umano'y nagtuturok ng droga sa sarili niya si Claudine, bagay na pinabulaanan naman ng ina ng aktres.

Ito raw ang ginamit ni Raymart laban sa anak.

“Hindi naman siya adik, eh. Hindi naman siya nagwawala-wala (Claudine). Alam mo kapag may kasalanan, you want to cover up, and you make up stories, people will believe lalo na celebrity eh, natutuwa pa 'yong mga karibal.

Sa pang-apat na pagkakaton ay muli raw tumawag si Claudine, at sa pagkakataong ito, naririnig na raw nila ang sinasabi ni Claudine sa kabilang linya na 'Hurry up! Where are you now? Come now!' Ibang klaseng iyak 'yon, put*ng-ina, sabi ko parang kinakatay ito. It was so bad."

Pagdating daw nila sa bahay ng mag-asawa, kagaya raw sa una ay normal lamang na bumaba si Raymart, at after a while daw, bumaba naman si Claudine na tila wala pa ring nangyari. Nagtanong pa raw sa kaniya si Claudine kung bakit sila nagpunta. Pero may napansin daw siya sa anak.

"Hindi ko na nakikita ang anak ko parang zombie... hindi normal, parang may pinagdaanan," aniya.

Pagbaba raw ni Claudine sa hagdanan, bigla na lang daw tilang "nag-collapse" ang anak niya sa ama nitong si Miguel Barretto. Nang dinala naman niya ang mga binti ng anak sa kaniyang lap, naramdaman daw niyang malamig ito. Sa parents' instinct, alam daw nilang may mali.

Hanggang sa ipinagtapat na raw ni Claudine na umano'y sinasaktan siya ni Raymart, na dumating pa raw sa puntong binubusalan ng face towel ang bibig ng anak, at kinaladkad pa.

"Mayroon pa, noong kinaladkad niya si Claudine…Tumawag ulit siya tapos hindi ko nakita pero alam ko nagsigawan sa garahe. Maririnig mo yung mga tao 'Tama na, tama na!' Ang nakita ko lang, hinahabol niya si Claudine, parang daga yung anak ako, running away from him. Noong malapit na si Claudine sa door, parang gusto niyang mag-escape, magtago. Naabutan niya, hinablot pa niya. Sumisigaw lahat... sa labas, sa street, 'Tama na huy, ano ba yan?' Many people saw it.' Pagdating namin sa bahay nila, wala na si Raymart, nag-eskapo na... Si Claudine nandoon na sa terrace, nakaupo, pinaligiran ng maids, pinaliguan nila kasi kinaladkad niya sa garahe."

Dinala pa raw nila si Claudine sa bansang Thailand para ipagamot sa kaniyang mental health matapos ang naging umano'y traumatic experience kay Raymart.

Nabanggit din ni Inday na umano'y "pinagsamantalahan" din ni Raymart si Claudine.

Mariin ding pinabulaanan ni Inday na drug addict ang anak niya. Kung gumagamit man daw ng gamot ang anak niya, ito ay para maibsan ang nararamdamang nerbyos sa traumang umano'y pinagdaanan kay Raymart.

"She was never on drugs. Kung mayroon man, konti lang kasi may isa siyang medicine that has ano of that, [gamot] sa nerbiyos."

Kaya naman, sa edad na 89, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Inday para ipagtanggol ang bunsong anak.

"Saktan n'yo na ako’t lahat, but don’t touch my children... I'm 89, I can go anytime."

"I told Claudine, 'You stop it. It's the last time I see tears from your eyes. I did crying for you already, not another tear, because tatapusin ko ito until the day I will finish it.'"

"Hindi ako mamamatay. I will not die until I finish this. And he [Raymart] better watch out. I'm gonna get him and then I can rest in peace."

"Huwag namang sabihin na a mother, 89 years old, will just sit down in that stupid wheelchair and watch your daugther, kinakatay na, pinapatay na, ninanakawan pa, niluluhuran pa."

"Ang Diyos ni Raymart, si Satanas. Ang Diyos namin nasa taas."

"He's gonna get it not from me. Just watch. Ang bait namin sa kanya...Ang kapal niya. I hate him."