December 13, 2025

Home BALITA National

‘Trangkaso Bye-Bye!’ Kampanya laban sa flu, inilunsad ng DOH

‘Trangkaso Bye-Bye!’ Kampanya laban sa flu, inilunsad ng DOH
Photo courtesy: MB, Freepik

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kampanya na “Trangkaso Bye-bye” nitong Martes, Oktubre 21, para sa tamang edukasyon ng publiko laban sa trangkaso o flu. 

Sa Facebook page ng DOH, ipinaliwanag nila na bagama’t walang flu outbreak, ang bansa ay kasalukuyang nasa flu season mula sa panahon ng tag-ulan na nagsimula noong Hunyo hanggang sa pagpapalit ng monsoon season sa Amihan. 

Ayon din sa latest surveillance ng DOH, 6,457 na ang kasong naitala ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11. 

25% itong mas mababa kumpara sa bilang na 8,628 sa kaparehong panahon noong 2024. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Bilang pag-iingat, inabiso ng ahensya ang mga sumusunod: 

- Palaging paghuhugas ng mga kamay.

- Pananatili sa bahay at tamang pahinga kapag may nararamdamang sakit.

- Pagsusuot ng face mask.

- Pag-iwas sa paghahati sa pakain at pagpapahiram ng kagamitan.

- Maayos na bentilasyon sa loob ng bahay.

- Tamang nutrisyon sa pagkain ng mga prutas at gulay. 

Sa kaugnay na ulat, nilinaw ni DOH Sec. Teodoro Herbosa kamakailan na walang ILI outbreak sa bansa dahil normal na ang trangkaso sa bansa tuwing sumasapit ang “-ber months.”

“Pagdating ng tag-ulan talagang panahon ‘yan ng flu-like symptoms,” saad ni Herbosa. 

Gayunpaman, patuloy ang monitoring ng DOH sa mga kaso ng ILI sa buong bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Flu season lang!' DOH, muling pinagdikdikang walang bagong virus sa bansa

KAUGNAY NA BALITA: 'Do not self-medicate!' Puwede bang ipanggamot ang antibiotics kontra flu?

Sean Antonio/BALITA