December 13, 2025

Home BALITA

Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa

Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa
Photo Courtesy: Bong Go, Antonio Trillanes (FB), via MB

Nagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong gayundin sa ama at kapatid nito 

Ayon sa mga ulat nitong Martes, Oktubre 21, may kinalaman umano ang reklamo ni Trillanes sa kaugnayan nina Go at Duterte sa bilyong pisong imprastruktura na ignawad sa CLTG Builders at Alfrego Builders na pag-aari ng ama at kapatid ng senador.

Dagdag pa rito, ang relasyon umano ni Go sa dating pangulo ang nagsilbing daan para maibigay sa dalawang binanggit na construction firm ang  proyektong nagkakahalaga ng ₱7 bilyon.

Sa ngayon, hindi pa muna nagbigay ng pahayag si Trillanes kaugnay sa isinampa niyang kaso laban sa apat.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo