December 13, 2025

Home BALITA National

'Sobra na, tama na!' DepEd, nanawagan na ibalik ang kanilang 'Classroom Budget' sa 2026

'Sobra na, tama na!' DepEd, nanawagan na ibalik ang kanilang 'Classroom Budget' sa 2026
Photo courtesy: MB

Lubos na ikinadismaya ng Department of Education (DepEd) ang ulat na 22 silid-aralan lamang ang natapos para sa taong 2025, sa ilalim ng nakaraang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).  

“Hindi katanggap-tanggap na 22 classrooms lang ang nagawa sa ilalim ng nakaraang pamunuan ng DPWH sa kabila ng pondong ibinigay at tulong mula sa DepEd,” ito ang saad ng DepEd sa kanilang opisyal na pahayag nitong Martes, Oktubre 21. 

Dahil dito, binanggit ng DepEd na ang 2026 na pondo ay bibigay nila sa mga LGU (local government unit), AFP (Armed Forces of the Philippines) Corps of Engineers, o sa pribadong sektor. 

“Tama na ang palusot. Kaya ngayong 2026, pondo para sa classrooms ibibigay sa DepEd sa mga LGU, AFP Corps of Engineers, o sa pribadong sektor,” dagdag ng ahensya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Bilang pagtitiyak, sisikapin daw ng DepEd na makumpleto ang pagpapatayo ng 40,000 na silid-aralan bago matapos ang taong 2028. 

“Sisikapin naming tuparin ang direktiba ni Pangulong Marcos na maipatayo ang 40,000 classrooms bago matapos ang 2028,” paninigurado ng ahensya. 

Sa kaugnay na ulat, nagbahagi rin ng pagkadismaya si DepEd Sec. Sonny Angara nitong Oktubre 21 sa nasabing isyu, nang banggitin niya na nawili umano ang DPWH sa mga proyekto ng flood control kaya tila nakalimutan ang pagpapatayo ng mga silid-aralan. 

“Mukhang nawili sila doon sa flood control, sa totoo lang eh. Matamaan na kung sinong matamaan, pero parang hindi na naging priority ’yung pagtayo ng classroom,” saad ng Kalihim. 

Sa karagdagan pang ulat, ikinagulat naman ni DPWH Sec. Vince Dizon nang ibinaba niya ang naging bilang ng mga nakumpletong silid-aralan, sa pagdinig ng Committee on Finance sa Senado para sa 2026 proposed budget ng DPWH noong Lunes, Oktubre 20. 

“Totoo ba ito? Ang baba nito, a,” paninigurado niya.

“For 2025 po, out of 1,700 na dapat gawin, 22 pa lang po ang completed at 882 po ang ongoing. At meron pong 882 na not yet started,” saad ni Dizon sa kaniyang report. 

Ang mga numerong ito ay nagpakita na 15.43% lamang ng proyekto ang nakumpleto ng DPWH para sa mga silid-aralan. 

KAUGNAY NA BALITA:  DPWH, 22 klasrum pa lang natatapos sa 1,700 na target ngayong taon

Sean Antonio/BALITA