December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Proceed at your own risk!' Inday, nagbabala kay Jodi tungkol kay Raymart

'Proceed at your own risk!' Inday, nagbabala kay Jodi tungkol kay Raymart
Photo courtesy: Raymart Santiago (FB)/Maricel Soriano, Ogie Diaz (YT)

Tila may mensahe si Inday Barretto sa Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria na karelasyon ngayon ng aktor na si Raymart Santiago, na estranged husband naman ng anak ng una na si Claudine Barretto.

Nangyari ito sa eksklusibong panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kay Inday, kaugnay sa umano'y mga alegasyon ng pang-aabuso at pananakit ng dating manugang sa kaniyang anak.

Matapos ang pagdetalye sa mga umano'y naranasan ng anak sa kamay ni Raymart, nabanggit ni Inday ang aktres na si Jodi.

"Yung dumating si Jodi, wala namang pakialam si Claudine kay Jodi Sta. Maria, that’s her look out. I’m not gonna say good luck to her, I’m just gonna pray for her. But proceed at your own risk"

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

"Kung hindi mo pa alam, bahala ka. Bahala na ang Diyos, 'yon lang sasabihin ko,” anang Inday.

Bahala na raw si Jodi kung magpapatuloy pa siya sa pakikipagrelasyon kay Raymart, matapos ang pagsisiwalat niya ng karanasang nasaksihan niya sa kamay ng anak sa aktor.

"Itong gag*ng 'to, magpapatayo pa raw ng bahay with Jodi. When Jodi stops being Jodi Sta. Maria, she loses not only Raymart, she’ll lose everything. Bahala siya, I’m speaking from experience," anang Inday.

Matatandaang noong 2020, umamin si Raymart na may relasyon nga sila ni Jodi matapos lumabas ang mga larawan nila sa social media.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Jodi hinggil dito.

KAUGNAY NA BALITA: 'Untruthful, slanderous!' Raymart Santiago, bumwelta sa mga pasabog ni Inday Barretto laban sa kaniya