December 14, 2025

Home BALITA

'May karapatan akong magyabang!' Josh Mojica, di kabado magpa-interview dahil hindi nepo baby

'May karapatan akong magyabang!' Josh Mojica, di kabado magpa-interview dahil hindi nepo baby
Photo courtesy: Josh Mojica (FB)

Nagbigay ng pahayag ang content creator at negosyanteng si Josh Mojica sa karapatan umano niyang “magyabang” maging sa isang media interview dahil hindi siya matatawag na nepo baby.

Ayon sa naging pasilip ni Josh Mojica sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 20, makikita sa video na kinakapayam siya ng batikang broadcast-journalist na si Julius Babao. 

“Lahat ng mga [nepo babies] at [korap] [diyan] nagtago, umiwas, kasi galing sa tao [‘yong] kanila at hindi nila pinaghirapan,” pagsisimula ni Josh sa kaniyang caption.

Photo courtesy: Josh Mojica (FB)

Photo courtesy: Josh Mojica (FB)

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Pagpapatuloy pa niya, nagawa niyang magpa-interview dahil may karapatan daw siyang maipagmayabang ang kaniyang mga pinaghirapan. 

“Ako nagpa interview pa. Bakit? May karapatan akong [magyabang]. Kasi [pinaghirapan] ko [lahat] ‘to!” pagdidiin ni Josh. 

Sinang-ayunan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Josh kaugnay sa kaniyang mga nakamit. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabi niyang post: 

“Deserve mo magyabang kasi pinaghirapan mo lahat. Hindi mayabang ang proud, mayabang lang ‘yung bitter sa sipag ng iba.”

“Brag all you want, dont mind the bashing. Deserve mo ipagyabang kung anong meron ka dahil hindi yan galing sa nakaw.”

“Ganitong mayabang, mayabang na my maipagmamayabang dahil galing sa hirap at pagod.”

“Lahat ng mga nayayabangan sa taong to is those who are insecure, and not happy to other people’s win. Sila yung mga taong pilit na inaalis ang buhay nila sa hirap but they can’t cuz mahilig silang manapak ng mga taong gusto lang magtagumpay sa buhay.”

“Hindi yan pag yayabang proud ka lng sa sarili mo kase masaya ka mayabang para sa mga taong inggit motivation para saming sumusubok at nasa prosesso.”

“Tingin ko hndi ito mayabang na totoo , tinitriggered lang nya mga basher nya , Kasi alam nyang may pera pag maraming basher. Napakatalino tlqa .. Salute sayo kapatid.”

“Saludo ako sayo isa ka sa nagpamotivate para lumaban ng parehas galing sa sariling pagsisikap.”

“Ok lng mag yabang at least sa pawis at hirap mo tlga ng galing, sobrang saya kaya sa feeling ng ganon, PROUD OF YOU KINAYA MO LAHAT.”

MAKI-BALITA: Biglang kambyo? Josh Mojica, ipinaliwanag 'bilyonaryo' post niya

MAKI-BALITA: Rowena Guanzon, pinapa-check tax ni Josh Mojica sa BIR

Mc Vincent Mirabuna/Balita