December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Iniintrigang may benefactor! Jillian Ward nagsalita sa isyung 'binubugaw' ng sariling ina

Iniintrigang may benefactor! Jillian Ward nagsalita sa isyung 'binubugaw' ng sariling ina
Photo courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)/Jillian Ward (IG)

Emosyunal na sinagot ng Kapuso star na si Jillian Ward ang ilang mga isyu hinggil sa kaniyang personal na buhay, sa pagsalang niya sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Sa diretsahang tanong ni Boy, tinanong si Jillian kung ano ang reaksiyon ng aktres sa mga nagsasabing "binubugaw" siya ng sariling ina.

Ito ay dahil sa mga na-aafford niyang pagbili ng mamahaling gamit, lalo na ang kaniyang luxury cars.

Pag-amin ni Jillian, nasasaktan siya sa mga nagsasabing binubugaw siya ng sariling ina para magkaroon ng "benefactor."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Sobrang sakit talaga, Tito Boy, kasi my parents didn't raise me that way," paglilinaw ni Jillian.

"Lahat ng meron ako, pinagpaguran ko and my mom would never do that to me."

"Sobrang nasasaktan ako kasi hindi po talaga gano'n ang mom ko. Tapos, nadadamay po siya sa lahat ng 'to. Nananahimik 'yong mother ko."

Nilinaw rin ni Jillian na lahat daw ng mga pinag-iipunan niya, walang kinukuha ang nanay niya.

"Actually, lahat po ng pinag-iipunan ko walang kinukuha 'yong mother ko do'n. Lahat po ng meron ako, hinahayaan niyang i-invest ko for myself."

Ipinagdiinan pa ng aktres na lahat ng mga fine-flex niya ay galing mismo sa perang pinagpaguran niya, at pati ang GMA Network management, alam ito.

"I'm so offended for my mother especially kasi she did not raise me that way," giit pa ni Jillian.

Nag-react na rin siya sa kumakalat na isyung may relasyon daw sila ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

“At that time, ayaw ko pong magsalita. Kasi laging sinasabi sa akin, if it’s not real, hindi mo kailangang magsalita. Ta’s every year, nagre-resurface po siya. Then last week, lumabas na naman po siya,” saad ni Jillian.

Dagdag pa niya, “Akala ko pa parang meme lang siya. Kasi sobrang absurd po ng mga kinukuwento nila. So tinawanan ko pa siya no’ng una. Then no’ng nagbasa na po ako ng mga comments, sobrang na-hurt na po talaga ako.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Sobrang absurd!' Jillian Ward, bumoses na sa pagkakaugnay kay Chavit Singson

Bagay na sinegundahan naman ni Chavit matapos niyang sabihing "marites" lamang ang nabanggit na kumakalat na tsika.

"Marites lang 'yan... naririnig ko nga 'yan, marami ngang nali-link sa akin pero puro marites 'yan," anang dating politiko-negosyante.

KAUGNAY NA BALITA: Chavit kay Jillian Ward dinidikit, may relasyon ba?