December 13, 2025

Home BALITA National

'I hope that Ombudsman will be fair:' Sen. Go, handang harapin kasong isinampa sa kaniya ni Trillanes

'I hope that Ombudsman will be fair:' Sen. Go, handang harapin kasong isinampa sa kaniya ni Trillanes
Photo courtesy: Bong Go (FB), Antonio "Sonny" Trillanes (FB)

Handa umanong makipag-ugnayan at sagutin ni Sen. Bong Go ang mga kasong isinampa laban sa kaniya ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa isinagawang press briefing ni Go nitong Martes, Oktubre 21, pinuna niya ang “kawalang basehang” ng mga alegasyong isinampa sa kaniya ni Trillanes. 

Ani pa ni Go, inaasahan na raw niyang sasampahan siya ng reklamo ni Trillanes at handa siyang sagutin ang lahat tungkol dito sa Ombudsman. 

“I have been expecting this complaint, and now we are in the proper forum to prove the baselessness of his allegations. I now have the opportunity to answer him point by point before the Ombudsman, and not on media anymore,” saad niya. 

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Pagpapatuloy pa niya, makikipagtulungan siya sa magiging imbestigasyon ng Ombudsman sa legal na proseso. 

“I will cooperate with the investigation and abide by its legal processes. The truth will be revealed and believe that justice and fairness shall prevail,” ‘ika ni Go. 

Umaasa umano siya na magiging patas ang Ombudsman sa mangyayaring imbestigasyon kaugnay sa mga kasong idinawit sa kaniya. 

“I hope that the Ombudsman will be fair,” ani Go. 

Matatandaang nagsampa ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman si Trillanes laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, kay Go at gayundin sa ama at kapatid niya.

MAKI-BALITA: Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa

Ayon sa mga ulat, may kinalaman umano ang reklamo ni Trillanes sa kaugnayan nina Go at Duterte sa bilyong pisong imprastruktura na ignawad sa CLTG Builders at Alfrego Builders na pag-aari ng ama at kapatid ng senador.

Dagdag pa rito, ang relasyon umano ni Go sa dating pangulo ang nagsilbing daan para maibigay sa dalawang binanggit na construction firm ang  proyektong nagkakahalaga ng ₱7 bilyon.

Mc Vincent Mirabuna/Balita