Nagpaabot ng “magandang balita” si Quezon Province Gov. Angelina “Helen” Tan na sasagutin na umano ng Kapitolyo sa kanilang probinsya ang gastusin ng mga Medicine students sa isang State University.
Ayon sa ibinahaging pahayag ni Tan sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Oktubre 21, sinabi niyang sagot na ng kanilang tanggapan ang gastusin ng mga Medicine students na nag-aaral sa Southern Luzon State University (SLSU) sa Lucban, Quezon.
“Good news! Sagot na ng Kapitolyo ang lahat ng gastusin ng students ng College of Medicine sa SLSU,” saad ni Tan.
“Ang bagal kasi ng CHED [Commission on Higher Education]!” pahabol pa niya.
Photo courtesy: Doktora Helen Tan (FB)
Ikinatuwa naman ng netizens at mamamayan sa probinsya ng Quezon naturang balita mula sa gobernador.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Tan:
“Thanks and congratulations. pero wag na po sana throw shades.”
“Wow thanks po and goodluck sa mga future doctors, syang tunay Gov, pagkabagal talaga ng CHED, parang nagdadalwang isip kung ipapamigay ba o hindi.”
“Sampal sa CHED heheheehe Good job Gov..”
“Sana all courses na po.”
“Ayeehhh mabuhay ka gov tan.”
“Pasali nman po Gov doctora helen tan grduating na po nw ang anak grede12.”
“Wow, sana po magpatuloy ang inyong maganda at makabuluhang proyekto. Salamat po Governor Doktora Helen Tan, God bless Quezon province.”
“Lahat ata mabagal pag magpapalabas ng pondo. Pero pang kukurakotin nila, ambibilis nila Gov.”
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang CHED kaugnay rito.
Mc Vincent Mirabuna/Balita