January 04, 2026

Home FEATURES

Gaano katotoo ang kasabihang 'An apple a day keeps the doctor away?'

Gaano katotoo ang kasabihang 'An apple a day keeps the doctor away?'
Photo courtesy: Freepik


Isa na siguro sa mga pinakatanyag na mga kataga o kasabihan sa kasaysayan ay ang “An apple a day keeps the doctor away.” Malimit itong binabanggit sa mga kabataan upang sila ay maengganyong kumain ng prutas, tulad ng mansanas.

Ngunit gaano nga ba talaga kahalaga ang kasabihang ito?

Pinagmulan ng Kataga/Kasabihang “An apple a day keeps the doctor away”

Ayon sa Know Your Phrase, may paniniwalang nagsimula ito sa Wales, isang teritoryo sa Britanya. Hindi ang mga katagang ito ang eksaktong ginagamit dati, ngunit ito ay nagsimula bilang “Eat an apple on going to bed, and you’ll keep the doctor from earning his bread.”

Una rin umano itong nakilala at naging tanyag pa matapos maipabilang sa akdang “Notes and Queries” noong 1866.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?



Habang lumilipas ang panahon, nagbago ang mga salitang ginamit, ngunit nanatili ang kahulugan nito.

Katotohanan sa likod ng Kataga/Kasabihang “An apple a day keeps the doctor away”

Ayon sa Know Your Phrase, malinaw na mayroong benepisyong pangkalusugan ang pagkain ng mansanas, ngunit hindi masasabing tunay na mapananatili nito ang kabuuang kalusugan ng isang tao.

Ang mansanas ay may fiber, na siyang mainam na nutrisyon na kailangan ng bawat tao, ngunit hindi lang ito ang kailangan ng katawan upang maging ligtas sa lahat ng uri ng panganib at sakit.

Nirekomenda ng Know Your Phrase na mas “accurate” umanong sabihing ang mansanas ay nakatutulong lamang upang mailayo ang tao sa doktor.

Sinusuportahan naman ng Healthline ang mga naging pahayag ng Know Your Phrase.

“Eating more apples may not be scientifically linked with fewer visits to the doctor, but apples are rich in nutrients and offer numerous benefits for disease prevention and long-term health,” anang Healthline.

“Although research shows that eating more apples may not actually be associated with fewer visits to the doctor, adding apples to your diet can help improve several aspects of your health,” dagdag pa nito.

Ibinunyag din nito na hindi benepisyo ang dala ng mansanas sa katawan kung sobra ang pagkain nito sa araw-araw.

“Eating an apple every day is unlikely to negatively affect your health. However, eating excessive amounts of apples every day could contribute to digestive issues,” saad ng Healthline.

Inirekomenda rin ng Healthline na liban sa mansanas, dagdagan pa ang diet ng ibang prutas tulad ng saging, mangga, peras, pinya, at iba pa, upang makumpleto ang kailangang nutrisyon upang mapangalagaan ang katawan.

Vincent Gutierrez/BALITA