Aminando si Kapuso star Ruru Madrid mahigpit siyang kuya noon sa mga kapatid niyang sina Rere at Rara.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Oktubre 20, napag-usapan ang tungkol sa panliligaw ni basketball player Kai Sotto kay Rere.
Ani Ruru, “Before kasi, sobrang naging mahigpit ako kay Rere. And actually kay Rara din. Sobrang naging mahigpit akong kuya pagdating sa mga may nanliligaw sa kaniya.”
“Pero no’ng naging kami ni Bianca [Umali] pina-realize niya sa akin na dapat hindi ka maging mahigpit sa mga kapatid mo,” dugtong pa niya.
Sey tuloy ni Boy, “Bakit mahigpit ka no’n? Ayaw mong gawin ng mga lalaki ang ginawa mo noon sa mga babae?”
Dahil sa sinabi ng Asia’s King of Talk, natawa ang magkapatid.
Pero sabi ni Ruru, bilang kuya, natatakot lang daw talaga siyang masaktan ang mga kapatid niya.
Kaya naman hindi nakapagtatakang naging mabuting kuya raw ang aktor sa kanilang magkakapatid, ayon kay Rere.
“Sobrang buting kuya. Like, kung ako bubuhayin sa mundong ‘to, si Kuya ‘yong pipiliin kong maging kapatid pa rin,” aniya.