Tila mapangahas at mapusok agad sina dating Pinoy Big Brother housemates Emilio Daez at Kaori Oinuma sa kanilang unang pagsasama sa isang proyekto.
Sa X post kasi ng “joytotheworld” noong Lunes, Oktubre 20, mapapanood ang video ng kissing scene nina Emilio at Kaori mula sa pelikula nilang “Romance Reboot.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"gagu ang tatapang ng mga loveteam ngayon kiss kung kiss talaga HAHHAA"
"Ready for mature roles na talaga"
"Hoyyyy hindi ako mahilig manood ng local teleserye for a few years now pero nung bata ako fan kami ng gma telebabad hahaha ganda ng chemistry nila parang saktong sakto sila sa stairway to heaven ph adaptation. Kavibe nila talaga medyo hawig pa"
"I miss Kaori, my first ever stan bukod sa BINI. The last time na napanood ko siya, si miah at Ms. Dolly palang nakaka kissing scene niya. My girl is so galing at matured na! "
"Dalaga na si kao kao As someone na inistan sha since pbb days HAHAHAHA nakaka proud and ang cute!!! Bagay sila ni Emilio"
"Omg Emilio & Kaori good job npaka professional ng dalawa "
"sarap humalikkk"
"Pahiya hiya ka pa jan emilio asan ang tapang mo ngayon "
"infairness may spark sila!!!"
"Hoy kaori akin yan haahahahahahahhaah"
Nakasentro ang kuwento ng “Romance Reboot” sa mga kabataang Pilipino na hinahabol ang kanilang mga pangarap at pag-ibig sa ibang bansa.
Kasama rin nina Emilio at Kaori sa pelikulang ito si Kapamilya singer-actress Shanaia Gomez.