January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

'Youngest hero!' Mata ng pumanaw na baby, idinonate sa isang 9-anyos na bata

'Youngest hero!' Mata ng pumanaw na baby, idinonate sa isang 9-anyos na bata
photo courtesy: Asian Hospital and Medical Center

Kahit ilang oras lang ang itinagal ng isang babaeng sanggol, nag-iwan naman ito ng isang magandang legasiya sa mundo at nagbigay ng pag-asa sa isang 9-anyos na batang babae.

Ibinahagi ng Asian Hospital and Medical Center kamakailan ang kuwento ni "Baby Aniela."

Si Baby Aniela ay ipinanganak na may anencephaly, ayon sa Asian Hospital, ito ay  isang rare condition kung saan ang utak at bungo ng isang sanggol ay hindi fully develop. 

Kuwento ng nabanggit na ospital, nagpasya ang nanay ni Baby Aniela na si Karina na i-donate ang mga mata ng kaniyang anak upang mabigyan ng pagkakataon na makakita ang iba. 

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

"Her mother, Karina, knew from the start that her daughter’s time would be heartbreakingly short lived. Yet, in the midst of unimaginable pain, Karina chose to turn loss into life — by donating Aniela’s eyes to give others the chance to see," anang Asian Hospital. 

Ang naging recipient ng mata ni Baby Aniela ay ang 9 na anyos na si Nikki.

Si Nikki ay ipinanganak na bulag dahil sa congenital glaucoma.

"Through Aniela’s corneal donation, Nikki gained the precious gift of sight. Today, nine-year-old Nikki is a bright, cheerful child who sees, learns, and explores the world with wonder — all because of the vision Aniela gave her," saad ng Asian Hospital. 

Dagdag pa nila, "Aniela’s short but meaningful life continues to inspire. She is remembered as the country’s youngest organ donor, a symbol of hope, generosity, and love..."

"Through Aniela’s legacy, countless others now have the chance to experience the beauty of the world — a true reminder that even the shortest life can leave the deepest mark."

Samantala, nagpasalamat naman ang ama ni Nikki na si Clod Manalo sa pamilya ni Baby Aniela.

"Malaki ang pasasalamat namin sa kanila (Aniela's Family), pangalawa sa mga doktor at syempre sa Asian Hospital. Sobrang thankful namin!" aniya.

photo courtesy: Asian Hospital and Medical Center