Posible umanong maapektuhan ang kasalukuyang liderato ng Senado kung sakaling muling maihalal bilang Blue Ribbon Committee Chair si Senate President Pro Tempore Sen. Ping Lacson.
Sa text message sa media nitong Lunes, Oktubre 20, 2025, iginiit ni Lacson na naipaliwanag na raw niya kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III ang posible umanong mangyari kung sakaling muli siyang iupong chairman ng nasabing komite.
"I have actually discussed this scenario with SP Sotto … That if I am elected again to head the committee, we should be ready for any and all consequences of my actions and decisions," ani Lacson.
Saad niya, maaari umanong mapatalsik bilang Pangulo ng Senado si Sotto at malagasan ang hanay ng majority bloc kung tangkaing muli siyang luklok mula sa nasabing posisyon.
“Including losing some members of the majority bloc and consequently, his Senate presidency,” anang Senate President Pro Tempore.
Matatandaang noong Sabado Oktubre 18 nang ihayag ni Sotto ang umano'y posibilidad na mailabalik kay Lacson ang Blue Ribbon Committee Chair.
"Ang sinasabi ko lang is may posibilidad,” ani Sotto.
Dagdag pa niya, "In other words, ‘di ko pwedeng sabihing imposible na.”
Matatandaang nagbitiw si Lacson bilang chairman ng komite matapos umanong hindi sang-ayunan ng ilan sa kaniyang mga kasamahan ang paraan ng kaniyang imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects.
MAKI-BALITA: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya
Ayon kay Sotto, mas makabubuting manatili si Lacson bilang kritiko. Tumanggi naman si Lacson sa panawagan ng ilang senador na bawiin niya ang kaniyang pagbibitiw sa posisyon.