December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Gatchalian, nag-aalala kay DPWH Sec. Dizon: 'Mukha ka nang 80 years old'

Sen. Gatchalian, nag-aalala kay DPWH Sec. Dizon: 'Mukha ka nang 80 years old'
Photo Courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines (YT)

Naghayag ng pag-aalala si Senador Win Gatchalian kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Finance nitong Lunes, Oktubre 20, nagpasakalye si Gatchalian ng papuri kay Dizon bago nito sinimulang ilatag ang budget ng DPWH para sa taong 2026. 

Sabi ni Gatchalian, “Nakatrabaho kita during the pandemic time, where you were the testing czar of our country. I know how you work. You work fast, you work efficient, and you work decisive.”

“So, I know you will be able to clean up and reform the Department of Public Works and Highways. It’s a big challenge, alam ko,” dugtong pa ng senador.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ngunit hindi niya naiwasang mag-alala sa kalihin ng nasabing departamento matapos mapansin ang pagbabago sa katawan at hitsura nito.

“Dati payat ka na, lalo ka pang pumayat. Dati mukha kang 50 years old, ngayon mukha ka nang 80 years old. Buti makapal pa ang buhok n’yo Secretary," saad ni Gatchalian.

Natawa na lang ang kalihim at napahawak sa buhok dahil sa sinabi ng senador.

Matatandaang minsan nang natanong si Dizon kung kinakaya pa ba niya ang trabaho sa gitna ng matinding anomalya sa loob ng ahensyang pinangangasiwaan niya.

“Hindi na [kaya],” sagot niya. “Pero what choice do I have, right?”