December 13, 2025

Home BALITA Politics

'Puro salita!' VP Sara nababagalan sa aksyon ni PBBM sa korupsiyon

'Puro salita!' VP Sara nababagalan sa aksyon ni PBBM sa korupsiyon
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa ginagawang hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kontra korupsiyon.

Sa isang panayam nitong Lunes, Oktubre 20, sinabi ni VP Sara na matagal na umanong problema ng Pilipinas ang korupsiyon ngunit mas lumala pa ito sa panahon ng administrasyon ni Marcos, Jr. 

“Ine-expect po sana natin sa administrasyon ni Pangulong Marcos noong siya ay maupo bilang presidente ay mabawasan ‘yong korupsiyon. Dahil nakakaabala siya, unang-una, sa mga tao, sa mga negosyante, at siyempre sa kaunalaran ng bayan. [...] Mas lumala po ang korupsiyon sa ating bayan,” saad ng Bise Presidente.

Dagdag pa ni VP Sara, mabagal umano ang aksiyon ng Pangulo para sugpuin ang talamak na korupsiyon sa Pilipinas.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Aniya, “Hindi natin maabot ‘yong kaunlarang pinapangarap natin para sa Pilipinas dahil sa korupsiyon. Unang-una, mabagal ‘yong aksiyon ng Office of the President sa korupsiyon. Puro lang po salita ang ginagamit.”

Inungkat niya pa ang ginawang pagsisiwalat noong nakaraang taon tungkol sa dalawang taong eksklusibong humahawak ng pambansang budget.

Matatandaang sinabi ito ni VP Sara noong Setyembre 2024 matapos niyang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa kaniya, “Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao. Hawak lang siya ni Cong. Zaldy Co at ni Cong. Martin Romualdez. 'Yan ang katotohanan.”

Maki-Balita: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Inalmahan naman ito ni Co sa isang panayam at sinabing nambubudol na naman umano ang Bise Presidente.

Maki-Balita: Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'