January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

'Parte sila ng pamilya!' Manila MDRRMO, nakiusap 'wag iwanan alagang hayop sa oras ng sunog

'Parte sila ng pamilya!' Manila MDRRMO, nakiusap 'wag iwanan alagang hayop sa oras ng sunog

Umabot sa second alarm ang sunog sa isang residential area sa San Andres, Maynila, noong Linggo ng gabi, Oktubre 19 bago tuluyang naapula at naging dahilan para paalalahanan ng pamahalaang lungsod ang publiko na huwag iwan ang kanilang mga alagang hayop sa panahon ng emergency.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng gabi at tumupok sa isang residential building. Mabilis na rumesponde ang mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at nagpadala rin ng karagdagang pwersa nang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay. 

Idineklara itong under control bandang alas-10:40 ng gabi. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi habang patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala.

Kabilang sa mga rumesponde ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na tumulong sa paglikas ng mga residente at nagligtas din ng ilang aso na iniwan sa gitna ng paglikas.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Sa isang paalala matapos ang insidente, pinaalalahanan ng MDRRMO ang publiko na isama at huwag kalimutan ang kanilang mga alagang hayop sa panahon ng sakuna. 

“Nauunawaan po natin na ang oras at pagiging maagap ay napakahalaga sa insidente ng sunog. Ngunit huwag naman po sana nating makakaligtaan ang mga alaga natin. Parte po sila ng pamilya at kailangan din ng kaligtasan,” anang Manila MDRRMO.

Patuloy namang ina-a­sess ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para matulungan ang mga apektadong residente.