December 12, 2025

Home BALITA National

Mga kasong isinampa ni Atong Ang sa whistleblowers, ibinasura!

Mga kasong isinampa ni Atong Ang sa whistleblowers, ibinasura!
Photo courtesy: via MB

Dinismiss ng Office of the City Prosecutor sa Mandaluyong ang inihaing mga kaso ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang laban sa whistleblowers na sina Julie “Dondon” Patidongan at Alan Bantiles, na may kaugnayan pa rin sa mga alegasyon ng mga nawawalang sabungero.

Sa inilabas na resolusyon ng city prosecutor noong Setyembre, nabasura ang kaso dahil daw sa kakulangan ng factual details at insufficient evidence.

Ang mga isinampang kaso laban sa dalawang whistleblowers ay robbery with violence or intimidation, grave threats, grave coercion, slander, at cyber libel complaints

“This Office finds no prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to indict respondents for attempted robbery with intimidation of person, grave coercion, and grave threats,” mababasa sa resolusyon.

National

COA: 69% ng kulungan sa bansa, siksikan na!

Matatandaang isiniwalat ni Patidongan, sa pamamagitan ni GMA News broadcast journalist Emil Sumangil, ang umano'y pagiging mastermind daw ni Ang, pati na ng aktres na si Gretchen Barretto, hinggil sa pagkawala ng mga sabungero, at umano'y pagtapon ng mga bangkay nito sa Taal Lake.KA

KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Pinabulaanan naman ito ni Ang at sinabing pinagbantaan umano siya nina Patidongan, na isasangkot sa isyu ng mga nawawalang sabungero, kung hindi siya magbibigay ng ₱300 milyon.

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni Atong Ang, naglabas ng pahayag kaugnay sa inisyung subpoena ng DOJ

Batay naman sa abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal, hindi muna sila magbibigay ng komento tungkol dito, subalit aapela raw sila sa Department of Justice (DOJ).