Nakatagpo ulit ng panibagong pag-ibig si Kapamilya actress-singer Maymay Entrata sa katauhan ni Filipino-American commercial model at rookie actor Joaquin Enriquez.
Sa latest Instagram reels ni Joaquin noong Linggo, Oktubre 19, mapapanood ang sweet moments nila ni Maymay sa beach habang umuulan.
“I finally found my Iris (smiley),” saad ni Joaquin sa caption ng post. Nakalapat sa video ang kantang “Iris” ng Goo Goo Dolls bilang background music.
Komento naman ni Maymay, “My Lover ”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Take care of her ok??? Wag mong paiyakin Yan hah... Alam q Bahay mo! "
"Ingatan mo si maymay plssss! "
"Omg my queen finally its almost a week na ako nag sstalk too both of you finally please to break our queen heart "
"Yan ang green flag na guy,Pini flex ang girlfriend. Stay happy lovebirds "
"You're amazing"
"So happy for Maymay. Been a fan since PBB days. Please love her with all your heart ‘cause she’s one pure heart."
"Huhuhu congrats"
"Oh- I’ve been WAITING for this one. This video genuinely makes me sob. I’m so happy for you two."
"Sabi na eh!!!! Ginalaw na hindi lang baso, pati buong lamesa!!! "
"OMG! Happy ako para sa inyong dalawa. Please don't make her cry. Give her all happiness in the wold. "
"Joaquin thank you for making her happy and loved "
Matatandaang Abril 2024 nang kumpirmahin ni Maymay na hiwalay na siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Aaron Haskell. Isinapubliko niya nag relasyon nila ni Aaron noong Pebrero 2022.
MAKI-BALITA: Amakabogera! Maymay Entrata, ipinakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend