Something In-N-Out of the ordinary para lunch?
Inanunsyo ng Filinvest City na magkakaroon ng one-day pit stop ng American-favorite na In-N-Out Burger sa Alabang, bukas, Martes, Oktubre 21.
Para sa mga gusto ma-experience ang fresh, juicy, at melty cheese na tatak ng In-N-Out Burger, hinihikayat ng Filinvest City ang south peeps na huwag palampasin ang pagbisita ng “cult-favorite burger chain” na ito sa bansa at sumugod na sa Neil’s Kitchen, Westgate Alabang mula 11:00 AM hanggang 3:00 PM.
Sean Antonio/BALITA