Usap-usapan ang tanong ng isang netizen kay Kapuso star Carla Abellana nang ibahagi niya ang kuhang video na nagpapakita sa luxury cars ng mga Discaya na nakaparada sa garahe nila sa mismong gusaling pagmamay-ari din nila.
Ayon sa Facebook reel na ibinahagi ni Carla, hindi pa raw nade-delete sa kaniyang phone ang video niya kung saan makikita ang maraming luxury cars ng kontrobersiyal na contractors.
Anang Carla, una pa lang daw ay natunugan na niyang may "something fishy" ang mga negosyo o nagmamay-ari sa mga nabanggit na sasakyan, na may-ari din ng gusali.
"Just found this in my camera roll. Hindi ko pa pala nade-delete. This is it! This is the video i was talking about that i took at taping 2 years ago!"
"Back then i didn’t know who the Discayas were or who the building even belonged to. But upon seeing the garage (where we couldn’t even park due to the lack of space) i knew right away that there was something fishy about their 'business.'"
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, alam na agad may 'something fishy' raw sa negosyo ng mga Discaya
Isang basher naman ang biglang umentrada sa comment section at nag-iwan ng maanghang na tanong sa kaniya.
"Hoy Carla di ba dikit ka kay Romualdez.?" tanong ng basher.
Na agad namang sinagot ni Carla, "Hoy Mikyla, paano po ako dikit kay Romualdez?"
Photo courtesy: Screenshot from Carla Angeline Reyes Abellana/FB
Pero hindi nagpaawat ang basher at sumagot pa ulit kay Carla, "Hoy Carla tinatanong nga kita kung dikit ka kay Romualdez. Sinisingle out mo kasi ang mga Discaya sa corruption, walang access sa funds yang mga yan kung walang corrupt na Politikong mastermind. Sinu nga po pala ang speaker na may pinakacorrupt na budget sa kasaysayan ng Pilipinas? Never heard you guys calling those politicians for their corruptions."
Photo courtesy: Screenshot from Carla Angeline Reyes Abellana/FB
Hindi na sumagot pa si Carla sa nabanggit na tirada ng basher, pero ibang netizens na ang rumesbak para kay Carla.
"huy asan ang ibedensya mo ddlis ka , ung igali mo namana mo na sa poon mo!"
"hoy ate tigilan niyo na pagiging panatiko niyo ano po!"
"PI mo, mabulok ka na dyan sa Kuwait. Wala ka sigurong day off Inday kaya ka nagkakaganyan. Hinahanap ka na ng amo ma, maglinis ka na daw ng kubeta."
"Hoy Mikyla, wala kang modo, wala ka ding utak."
"ang yabang mo naman. Kung maka tanong Ka Naman Kay Ms. Carla parang close Naman kayo? Ano BA ang pinagmamalaki moi SA buhay???"
Pero tila hindi nagpatinag ang nabanggit na basher at patuloy pa ring sumagot sa mga kapwa netizen na bumirada sa kaniya.
"hahahahaah this how you call out sa mga bias at selective na tao. Kitam dami na triggered," aniya.
Hindi pa rin tumugon o nagkomento si Carla sa bardagulan ng mga netizen sa comment section ng post niya.
Bagama't walang pinangalanan, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy na "Romualdez" ng basher ay si Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.