Muling idiniin ng Department of Health (DOH) na wala umanong umiiral na bagong virus sa bansa.
Nilinaw ito ng ahensya kasunod nang pagdedeklara ng probinsya ng Quezon para sa mandatoryong paggamit ng fake mask noong Linggo, Oktubre 19, 2025.
"Our advice remains the same, it is the flu season, and to help prevent spread, it is good public health practice to keep hands clean, wear face masks when with symptoms or to protect yourself, be vaccinated, cover coughs, eat healthy diets, exercise, avoid smoking/vaping and drinking, and have adequate rest," anang DOH.
Saad pa ng DOH, "There is no unusual or new virus or strain circulating."
Ayon pa sa DOH, mayroon lamang daw tatlong klase ng virus ang nakaapekto ngayon sa bansa at ito ay ang Influenza A, Rhinovirus at Enterovirus.
"ARS-CoV-2 (which causes COVID-19) is at a low rank number 10, accounting for only 1% of cases positive for ILI,” giit ng DOH.
Matatandaang noong Biyernes lamang, Oktubre 17, nang linawin din ng DOH na wala umanong katotohanan na magdedeklara sila ng lockdown sa buong bansa bunsod ng patuloy na oagtaas ng kaso ng influenza-like illness (ILI).
"Let me explain, the lockdown was done during [COVID-19 pandemic]. There is no planned lockdown, that is fake news. What we have is seasonal respiratory illnesses. So, it's not a flu outbreak," ani DOH Sec. Ted Herbosa.
Ilang paaralan na rin sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagkansela ng kani-kanilang face to face classes bunsod ng pagtaas ng kaso ng ILI at banta ng pagtama ng lindol sa Metro Manila.