January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Dating Tacloban Mayor Bejo Romualdez, pumanaw na sa edad na 91

Dating Tacloban Mayor Bejo Romualdez, pumanaw na sa edad na 91
Photo courtesy: Alfred Romualdez (FB)

“Rest in peace, Mayor Bejo"

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Tacloban sa pagpanaw ng kanilang dating alkalde na si Alfredo “Bejo” T. Romualdez, na kinikilala nila bilang “visionary leader” ng kanilang lungsod. 

“Mayor Bejo’s legacy of compassion, dedication, and genuine service to the people of Tacloban will forever be remembered. His unwavering commitment to the city’s progress and his heartfelt concern for every Taclobanon have left a remarkable mark on our community,” saad sa Facebook page ng Tacloban City noong Linggo, Oktubre 19. 

“As we mourn his passing, we also celebrate a life well-lived — a life devoted to public service, unity, and love for Tacloban. His memory will continue to inspire generations to serve with humility and heart,” dagdag pa rito. 

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Ang labi ng dating alkalde ay nakalagak sa Heritage Memorial Park, Fort Bonifacio, Taguig, City, mula Oktubre 18 hanggang 22. 

Si Romualdez ay nanilbihan ng siyam na taon bilang alkalde sa lungsod mula 1998 hanggang 2007. 

Siya rin ang nakababatang kapatid ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos, tiyuhin ni dating House Speaker Martin Romualdez, at ama ng kasakulukuyang Tacloban City Mayor na si Alfred Romualdez. 

Sa kaniyang panahon ng paninilbihan sa lungsod ng Tacloban, ang lungsod ay unang nakilala bilang “1st Class Highly Urbanized City” sa Eastern Visayas region. 

Gayunpaman, kasama rin sa nagpaugong ng pangalan ni Bejo Romualdez ay ang Civil Case No. 0010 o ang “Republic vs. Alfredo T. Romualdez, et al.” case na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1987 sa layong mabawi ang mga umano’y ill-gotten wealth na kinamkam noong panahon ng administrasyong Marcos Sr. 

Sean Antonio/BALITA