Muling ibinahagi ni Kapuso star Carla Abellana ang kuhang video niya sa garahe ng mga Discaya, matapos ang taping nila sa hindi tinukoy na proyekto, dalawang taon na ang nakalilipas.
Ayon sa Facebook reel na ibinahagi ni Carla, hindi pa raw nade-delete sa kaniyang phone ang video niya kung saan makikita ang maraming luxury cars ng kontrobersiyal na contractors.
Anang Carla, una pa lang daw ay natunugan na niyang may "something fishy" ang mga negosyo o nagmamay-ari sa mga nabanggit na sasakyan, na may-ari din ng gusali.
"Just found this in my camera roll. Hindi ko pa pala nade-delete. This is it! This is the video i was talking about that i took at taping 2 years ago!"
"Back then i didn’t know who the Discayas were or who the building even belonged to. But upon seeing the garage (where we couldn’t even park due to the lack of space) i knew right away that there was something fishy about their 'business.'"
Ang mga Discaya, na tumutukoy sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, ay may-ari ng ilang construction companies na umano'y sangkot sa maanomalyang flood control projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Si Sarah ang tumakbong Pasig mayor noong nagdaang midterm elections subalit natalo ng kasalukuyang alkaldeng si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang tungkol sa korapsyon at maanomalyang flood control projects, na karamihan daw ay maituturing na "ghost" o hindi talaga nagawa.