Dalawa ang nanalo sa mahigit ₱50 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Linggo, Oktubre 19, ayon sa PCSO.
Nahulaan ng dalawang lucky winner ang winning numbers na 16-09-25-17-10-15 na may premyong ₱50,952,075.80.
Ibig sabihin, makatatanggap sila ng tig-₱25,476,037.90.
Ayon sa PCSO, nabili ang winning ticket sa Waltermart Mc Arthur Highway, Guiginto, Bulacan at sa Urro St. San Francisco District, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Upang makubra ang premyo, pumunta lamang sa punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang winning ticket at dalawang balidong government IDs.
Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papawatan ng 20% tax.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.