December 16, 2025

Home BALITA

'Who do you think you are?' Cebu Gov. Pam Baricuatro pinasaringan si Atty. Regal Oliva?

'Who do you think you are?' Cebu Gov. Pam Baricuatro pinasaringan si Atty. Regal Oliva?
Photo Courtesy: Pam Baricuatro, Regal Oliva (FB)

Tila may personalidad na pinatatamaan si Cebu Governor Pam Baricuatro batay sa kaniyang social media post.

Sa latest Facebook post ni Baricuatro nitong Linggo, Oktubre 19, tinawag niyang napakabastos ang tinutukoy na personalidad.

“Kahilas nimo yuts! (You’re so rude!) Who do you think you are??? Tatay Digong Forever! ” saad ni Baricuatro.

Samantala, paalala naman ng gobernardor sa comment section, “Ayaw mo kalain mga LGBTQ kay its a term of endearment naku sa mga friends . Daghan kong friends nga babay nga yuts .Nothing against you at all’s ”

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

(Don't disrespect LGBTQ people because it's a term of endearment for my friends. I have many female friends from the land. I have nothing against you )

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post. At bagama’t walang pangalang binanggit si Baricuatro, tila si Atty. Regal Oliva ang pinatutungkulan niya batay sa komento ng netizens.

"another day, another Regal, Pay Per View"

"Unfollowed him dayon! pwe!"

"Pretend lng diay na sila na maka Duterte to attracts followers from Tatay Digong supporters."

"another day, another TP, another Jam magno, another pebbles "

"When gooding turns into bading: Another day, another budol #regalshocker"

"Unfollow na hindi ko naman sya friend."

"Ayaw mo pag namedrop oi, si Regal Oliva ni Gov?"

"When the price is right daw Gov Pam. Hahaha another day another Payed oh vee hahaha"

"Unfollow Regal Pov !"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Oliva kaugnay sa patutsada ni Baricuatro.

Tila nagsimula ang lahat ng ito matapos ilahad ni Oliva ang pananaw niya kaugnay sa interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ibinasura ng International Criminal Court (ICC).

Dahil sa kaniyang taliwas na pananaw sa mga tagasuporta ni Duterte, inakusahan siyang bumaligtad o nabayaran ng kabilang kampo.

Ngunit depensa ni Oliva, “I will say this once — and only once: my mind cannot be bought, and my truth cannot be dictated.”