Nagbanta si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy kay dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torree III matapos ibasura ng korte ang kasong sedisyon na isinampa nito laban sa kaniya at sa 13 iba pa.
Sa isang Facebook post ni Badoy noong Sabado, Oktubre 19, sinabi niyang bagama’t nagpapasalamat siya sa mga abogado niya, wala umano siyang anomang nararamdaman sa nasabing kaso.
“I am deeply grateful to my lawyers, but I feel nothing about this case- at least not on the level where I’m thinking it’s over and I can celebrate,” saad ni Badoy.
Ayon kay Badoy, wala raw dapat ipagdiwang sa madlilim na yugtong ito ng mapaniil na rehimen ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“And I want Nic Torre to know this is not over. Not by a long shot. I will make him pay through his ugly teeth, and it is I, not him, not any court, that will say when it is over,” dugtong pa ng dating NTF-ELCAC spokesperson.
Matatandaang isinampa ni Torre ang kaso kina Badoy dahil sa tangkang pagpigil ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.