Nagbitiw ng biro si dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” housemate Shuvee Etrata laban sa mga taong naghihintay na magkamali siya.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Oktubre 18, itinampok ang kumalat na video clip ni Shuvee kung saan siya humirit ng biro.
Ani showbiz insider Ogie Diaz matapos mapanood ang video, “Naresibuhan ng ‘iligpit.’ Parang something ‘Lord, iligpit n’yo na sila [‘yong mga evil eye].’ Pero siyempre, bigla niyang na-realize, mali.”.
“Whether joke ‘yon o totoo, medyo hindi pa rin maganda. Lalo na ‘yong iba nagsasabi, ‘Idol mo talaga si [dating Pangulong Rodrigo Duterte] kasi nando’n ‘yong ‘iligpit,’” dugtong pa niya.
Kaya payo ni Ogie kay Shuve, “Behave-behave tayo.”
Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay kinuyog ng netizens ang dating PBB housemates dahil muling lumutang ang mga lumang post at video niya partikular ang pagpapakita ng suporta kay Duterte.
Bagama’t humingi na siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.
Maki-Balita: 'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika