Usap-usapan ng mga netizen ang tila pag-unfollow daw sa Instagram ni Sarah Lahbati kay Sofia Andres, matapos ang mga naging pagsisiwalat ni Chie Filomeno patungkol sa isang nagngangalang "Sofia."
Sa screenshots na inilabas ng Fashion Pulis, makikitang tila naka-unfollow na raw si Sarah kay Sofia dahil nga sa nabanggit ni Chie sa kaniyang pasabog, na bagama't walang direktang mga tinukoy na pangalan, ay pinaniniwalaan ng mga netizen na sina Sofia Andres at Sarah Lahbati.
Photo courtesy: via Fashion Pulis
Binisita naman ng Balita ang Instagram accounts ng dalawa upang beripikahin nga ang unfollowan issue na ito.
Mapapansin ngang hindi naka-follow si Sarah kay Sofia, pero si Sofia ay naka-follow pa rin kay Sarah.
Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG) via Richard de Leon/BALITA
Photo courtesy: Sofia Andres(IG) via Richard de Leon/BALITA
Ayon kay Chie, tila "nilalapitan" umano ni "Sofia" ang ilang influencers para magpakalat ng hate laban sa kaniya.
"Truly heartbreaking, I know she's evil, but didn't expect her to go this low. I am not surprised anymore tho. But I hope and pray that the things you are doing to me now, your daughter will never experience,” saad ni Chie.
"Dagdag pa niya, “I really wish she does not feel this kind of pain. Because I will never do something like this, I do not want my future child to be treated the you treat people. I was gonna let karma do its job—nope I am your karma.”
Sa isa pang screenshot, makikita naman ang ipinadalang mensahe ng pagkompronta ni Chie kay Sofia, subalit hindi raw siya nakatanggap ng mensahe mula rito.
Dito na nabanggit ni Chie ang pangalang "Sarah."
Ani Chie, may mga nagparating daw sa kaniya na sinabi umano ni Sofia na ayaw niyang palapitin ang anak na si Zoey sa isang "prostitute" o babaeng nagbebenta ng aliw.
"The audacity to say 'I'm not going to surround Zoe with prostitutes for God's sake' when rumors came from you btw is really insane. And telling me and Alora it came from Sarah? Using Sarah, because you want your hands to be clean, is truly insane," mababasa rito.
Photo courtesy: Chie Filomeno/IG
Samantala, sinabi naman ni Sofia na na-hack daw ang social media accounts niya.
Aniya, “My TikTok has been hacked and also using my other accounts. Be careful. ”
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sarah tungkol dito.
KAUGNAY NA BALITA: Pasabog ni Chie: 'Sofia,' nagbabayad ng influencers para siraan siya