January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Samantha Bernardo, nag-congrats kay Emma Tiglao matapos masungkit MGI crown; nagpasaring sa korupsyon

Samantha Bernardo, nag-congrats kay Emma Tiglao matapos masungkit MGI crown; nagpasaring sa korupsyon
Photo courtesy: Samantha Bernardo/FB


Masayang binati ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo ang kapapanalo lang na Miss Grand International 2025 na si Emma Mary Tiglao, na tila sinamahan niya rin ng isa pang pasaring.

Ibinahagi ni Samantha sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Oktubre 18, ang kaniyang congratulatory post para sa nagwaging Pilipina, na sinamahan niya pa ng isang patutsada hinggil sa mga umano’s sakim at sa mga may kinalaman sa korapsyon sa bansa.

“FINALLY, THE CROWNING OF PHILIPPINES WE DESERVE! CONGRATULATIONS Miss Grand International 2025 Emma Tiglao!” ani Samantha.

“And thank you so much for being a True Queen CJ Opiaza! You both have proven that a True Filipina never gives up!” dagdag pa niya.

Saad pa ni Samantha, “Kaya mga kababayan, HUWAG KALIMUTAN, WALA PANG NAKULULONG GALING SA KORUPSYON AT KASAKIMAN. NEVER FORGET.”

Photo courtesy: Samantha Bernardo/FB

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na ibahagi ang kanilang mga sentimyento at komento hinggil sa nasabing post ng nasabing beauty queen.

“Samber you introduced MGI to us. Their victory is also your victory. You are all considered as pride of Ph”

Tsika at Intriga

'Hindi totoo!' Nico Waje, pasimpleng winalis intriga tungkol sa kaniya?

“Thank you for your pioneering efforts, Nicole Cordoves and Samantha Bernardo”

“Congrats, Philippines! first country to win back-to-back in MGI history!”

“Lindol at bagyo lang nalimutan ng sandali kanina”

“PROTEKTADO ANG MGA CORRUPT...YUNG IBA STATE WITNESS PA #APPALLING #NakakaKILABOT”

“Balik tayo sa Flood control”

Matatandaang ang pagkakapanalo ni Emma Tiglao sa MGI 2025 ay isang historic back-to-back victory para sa Pilipinas, matapos tanggapin ni Miss Grand International 2024 CJ Opiaza ang korona, nang mag-resign si Rachel Gupta ng India.

Vincent Gutierrez/BALITA