December 18, 2025

Home BALITA Internasyonal

Nilulutong ‘Keep Call Center Act of 2025’ ng US, banta sa BPO industry ng Pilipinas?

Nilulutong ‘Keep Call Center Act of 2025’ ng US, banta sa BPO industry ng Pilipinas?

Tinatayang nasa 1.9 milyong call center agents sa Pilipinas ang nakaambang maapektuhan ng isang panukalang-batas na niluluto sa Senado ng United States of America (USA).

Ayon sa mga ulat, ikinasa ng bipartisan group ng Senado sa US ang Keep Call Center Act of 2025 na naglalayong magbawal sa mga kompanyang call center sa US na lumipat sa ibang bansa upang doon mag-operate o tumanggap ng mga empleyadong nasa ibang bansa para sa mas mababang halaga ng labor. 

Sa ganitong paraan, layunin din ng nasabing batas na mabigyang-prayoridad ang mga call center agents sa US sa mga kompanya, kaysa ibigay sa ibang mga empleyado sa ibang bansa.

Sa panayam ng Manila Bulletin sa IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) noong Agosto 2025, sinabi nitong patuloy daw nilang mino-monitor ang pag-usad ng nasabing batas sa US Senate.

Internasyonal

Babae, nagpakasal sa isang AI persona!

“At this stage, we are continuing to track developments,” anang IBAP.

Ayon sa tala ng Ateneo Police Center, tinatayang nasa 200 US-based company na ang nag-invest ng $7.8 billion para sa kanilang operasyon sa Pilipinas magmula pa noong 2003. 

Samantala, ayon kay BPO Industry Employees Network (BIEN) Secretary General Renso, malaking banta sa mga empleyado ang nasabing panukalang-batas.

“Malinaw siya na banta. It's a threat sa kabuhayan ng milyon-milyong [Pilipino] kasi 1.9 [million] as of 2025 'yung employed sa BPO industry,” ani Lacanilao sa panyam sa isang radio interview noong Oktubre 12. 

Sa kabila nito, nanindigan si Philippine ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na sinusubukan umano nilang makipag-ugnayan sa US Congress na ma-exempt na ang Pilipinas mula sa nasabing panukalang-batas.

“Working hard with our friends in the US Congress to exempt the Philippines,” ani Romualdez.